KAIYA POV'S
"Mommy!"
Kakabukas ko palang ng pinto ng marinig ko ang matining na boses ng mga anak ko na si Kyle at Sandy. Nakangiting sinalubong ako ng kambal kong anak at mahigpit akong niyakap.
"Mommy! Pasalubong!" nakangiting saad ni Sandy at inilahad sa harap ko ang maliit na palad niya. Cute!
Natawa naman ako. "Tadahh!" saad ko sabay iniharap nila ang plastic bag na may lamang Chuckie na paborito nila.
"Yehey!" masayang tili ni Sandy at masayang ininom ang Chuckie nya.
Samantala napansin ko namang naging tahimik si Kyle kaya agad ko siyang nilapitan ay binuhat. Tumungo naman kami sa sofa at doon umupo.
Ipinatong ko sa hita si Kyle, "What wrong baby?" I asked worried. He pouted, Mukhang ayaw nya pang sabihin kung bakit sila malungkot.
"Ayaw mo ba ng pasalubong ni Mommy?" saad ko at umaktong nalulungkot.
Umiling sya, "Nope. Gusto ko po." sagot nya.
Hinalikan ko sya sa pisngi. "So bakit ka malungkot?"
"E kasi mommy... My Classmates bullied me." saad niya na nakayuko.
"Inaway siya nung mga kaklase niya kanina. Pinagsabihan ko narin." singit ni Ate Clea na kalalabas lang galing kusina. Katatapos nya lang siguro magluto. Umupo si ate sa pang-isahang sofa at nilapitan si Sandy na busy sa dala kong pasalubong.
"Why? Anong ginawa nila sayo? Sinaktan ka ba nila?" tinanong ko at dali-daling tiningnan kong may galos sya sa buo nyang katawan.
He shook his head. "They just bully me because I don't have Daddy." nakapout na sabi niya.
Natigilan ako at napatingin kay ate Clea. Tinaasan lang ako ni Ate ng Kilay na parang sinasabi niya na nasaan na ba yung tatay ng mga bata. Umiling nalang ako dahil ganiyan naman si ate simula nung maipangak ko ang kambal ko.
"Ahm honey, May Daddy ka naman e. Sadyang wala nga lang dito." saad ko. Nagigipit talaga ako kapag yung tatay na nila ang paguusapan dahil hindi ko alam ang dapat kong sabihin.
"E, nasaan po ba si Daddy?" usisa ni Sandy ng makalapit siya sa'kin, umiinom na siya ngaun ng dala kong chuckie.
Napakagat ako ng labi. Ano bang isasagot ko? Sasabihin ko bang may sarili na yung pamilya? E wala na akong balita sa tokmol na lalaking yun. Matagal na panahon na huling kaming nagkita. O sabihin na'ting matagal na panahon na simula nung nagtago ako sa kaniya.
"Nasa state nasa kabit niya." mataray na bulong ni ate Clea. Mabuti nalang ay ako lang ang nakarinig.
"Ate!" saway ko sa kaniya.
"H'wag mo kong ina ate-ate Kaiya! Ayusin mo 'yang buhay mo! Pati bata dinadamay mo." napapikit nalang ako.
Lagi kaming nag babangayan ni ate tungkol dito. Ayaw kasi ni Ate na nagsisinungaling ako sa mga bata. E anong makakagawa ko? Yun lang ang tanging paraan para itago sa kanila ang tatay nila.
"Halina na kayo, pagod si Mommy. Kailangan ko ng magpahinga at kayo ding dalawa." saad ko. Sumimangot naman sila na halatang ayaw pang matulog.
"Come on sweetie, Let's sleep." saad ko. Wala naman silang nagawa kundi tumayo. Lumapit si Sandy sa Kuya niya at hawak kamay silang umakyat sa hagdan.
Isang beses na kasing nadulas si Sandy sa hagdan kaya binilin sa kaniya ni Kyle na hawakan ang kamay niya kapag aakyat sila ng hagdan, para hindi na siya madulas uli. Napangiti ako dahil napakasweet ng mga anak ko sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Boyfriend ko sa RPW ang kapitbahay kong ubod ng SUPLADO - ( RPW SERIES #1 )
Teen FictionHighest Rank : #1 - Roleplayworld 01/23/21 #1 - Rpworld 01/23/21 #1 - Rpier 06/13/21 #1 - rpw 02/15/23 Kilalanin si Kaiya na isang GRP na nagkaroon ng boyfriend sa RPW, sa hindi inaasahan ay nalaman niya na ang boyfriend niya sa RPW ang bagong lipa...