07

1.6K 96 10
                                    

KAIYA POV'S





Makalipas ang dalawang buwan at naging maayos naman ang takbo ng buhay ko dito. Hindi naging mahirap ang pakikisama ko kay ate Anchai dahil para lang kaming magbarkada. Masaya kasama si ate Anchai,  tulad ko ay madaldal din sya kaya na enjoy ko ang pag stay dito. She really treat me like I'm her real little sister.

Dalawang buwan naring wala akong balita kay Samuel. Iniisip ko tuloy kung hinanap nya ba ako o hindi? Siguro ay sinabi na ni Honey na buntis sya kay Samuel kaya hindi na ito nag abalang hanapin ako.

Mabilis kong inalis sa isipan ko si Samuel dahil hindi makakabuti para sakin ang isipin sya gayong nasisigurado kong pinanagutan na nya si Honey sa pagdadalang tao nito.

Mas mabuting magsimula na ako ng bagong buhay ko na wala ng Samuel. Ito ang dapat. I need to choose a better life for me. Kailangan kong bigyan ng oras at pagpapahalaga ang sarili ko. Sarili ko naman ngayon.

Napabuntong hininga ako bago sinarado ang librong binabasa ko at mabilis na naligo. Matapos makapagbihis ay bumaba na ako sa kusina upang tulungan na magluto ng almusal si ate Anchai na kararating lang galing palengke. Binalak ko sana syang samahan pero nakaramdam ako ng panghihilo kanina at pakiramdam ko ay bitin na bitin ang tulog ko gayong maaga naman akong natulog kagabi.

“Kamusta pakiramdam mo? Nahihilo ka parin ba? Umupo ka nalang kaya muna, baka mabinatka e.” nag aalalang ani Anchai nang simulan kong magbalat ng bawang.

Ngumiti naman ako sa kanya. “Okay lang ate, Medyo okay na ako ngayon. ” saad ko at sinumulan itong hiwain.

“Sigurado ka? Baka may lagnat ka.” lumapit sya sakin at hinipo ang noo ko. “Weird, Napapadalas na panghihilo tuwing umaga e hindi ka naman nilalagnat. ” aniya.

Nagkibit balikat nalang ako. “Baka sa stress.”

“Stress? Naku huwag ka—”

Hindi natuloy ang sasabihin ni ate Anchai ng muntik akong magsuka dahil sa amoy ng kwek-kwek at isaw na nakalagay sa plastic.

“Ba’t ang baho nyan!” dali-dali akong tumungong lababo at sumuka dahil sa malansang amoy nito sa ilong ko. Bakit ganun? kwek-kwek lang iyon pero parang bilagtad nito ang sikmura ko dahilan para masuka ako.

“Hoy? Ayos ka lang? Grabe ka naman, Ang bango naman ng amoy ng isaw ah! Mainit init pa ‘to oh,  nadaanan ko lang kanina doon sa palengke e natakam ako kaya bumili narin ako.” saad nya at agad namang lumapit sa akin para bigyan ako ng tuwalya pangpunas sa bibig.

Mabilis kong hinugasan ang bibig ko matapos kong magsuka. “Ate pwede palayo, ang baho talaga e.” pakiusap ko. Nagtataka man ay inalayo nalang nya ito sakin.

“Ako na dyan, Pahinga ka nalang muna. Jusme malelerke ako sayo.” saad nya at hinila ako paupo sa sofa sa sala. Kumunot ang noo ng binuksan nya ang TV, “Ayan! Manood ka nalang dyan, tatawagin nalang kita kung kakain na tayo.” turan nya. Wala na ako nagawa dahil pakiramdam ko nanghina ako sa pagsusuka kanina.

Hindi ito ang unang pagkakataom dahil napapadalas narin talaga ang pagsusuka ko tuwing umaga. Ayoko rin ng amoy ng kape at keso. Gusto ko namang laging ngumunguya ng mangga. Ang weird hindi ba? Pakiramdam ko tuloy may malala na akong karamdaman na dinadala ngayon. haha.

Hindi ko nalang pinansin pa ang ganito kong pakiramdam dahil nalalapit na ang pagtatapos ng second semester. At kailangan kong mag aral ng maayos dahil ayokong masayang ang pagaaral na pinaghirap ko ngayong taon. Sa dalawang buwan na paninirahan ko dito ay naglipat narin ako ng school na pag-aaralan ko, malapit lang din naman ito dito sa probinsya nila. Isang sakayan lang ito ng tricycle mula dito papuntang bayan.

Boyfriend ko sa RPW ang kapitbahay kong ubod ng SUPLADO  - ( RPW SERIES #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon