KAIYA POV’S
“Sinong ama nyan?” kunot-noong tanong ni ate Clea.
Napaupo ako sa sofa at tulalang napatingin sa kanila. Hinihintay nila ang sagot ko ngunit hindi ko masagot dahil sa mga minutong ito ay naguguluhan ako.
“P-paano? Buntis ako?” Tuluyan ng tumulo ang luha ko. “Ate!”, yumakap ako kay ate Clea at humagolgol.
“Para kang tanga, bakit ka umiiyak?” tanong nya.
Nakaramdam ako ng panlalamig ng mapagtanto na nakalimutan ko ang pills ko na sa huling pagpapaalala ko ay dalawang beses lang ako nakapag inom nito. Dahil sa stress at depression sa nangyayari sa buhay ko ay nawala na sa isip ko na inomin ito. Lintek!
“Nakalimutan ko uminom ng pills.” naluluhang saad ko. Kumalas sa pagkakayakap sakin si ate at napahawak sa sindito nya.
“Kaiya naman... Sino nga ama nyan?” Naiinis na si ate Clea.
Yumuko ako. “S-si Samuel,” tugon ko at tuluyan ng umiyak.
Malutong na napamura si ate Clea. Hindi naman alam ni ate Anchai ang gagawin nya sa mga nalaman nya.
“Kaiya? Tanga ka ba? Iniwan mo si Samuel para sa magiging anak nila ni Honey, tapos ngayon buntis ka? Kay Samuel?” galit na ani ate Clea.
“It's not my intention, I told you! Nakalimutan kong uminom! I was suffering from stress and depression ate. Araw-araw iniisip ko kung paano uli ako mag uumpisa. Iniisip ko, kung saan at ano ba talaga ang promblema. Araw-araw pakiramdam ko may mali, may kulang, may hindi dapat.” umiiyak na saad ko.
“Kaiya...” maluha-luhang yumakap sakin si ate Anchai. Tumugon din ako sa yakap nya at doon umiyak sa balikat nya.
Napaupo si ate Clea sa sofa na nasa harapan ko. She look frustrated. Naiintindihan ko naman kung magagalit sakin si ate, hindi ko sya masisisi dahil kahit ako galit din sa sarili ko dahil sa katangahang ginawa ko. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon gayong buntis ako.
Paano ko ito palalakihin? Paano ko ‘to mabubuhay? Maalagaan ko kaya ‘tong palakihin ng maayos? Paano kung magiging walang kwentang ina lang ako sa kanila? Sisihin kaya nila ako kapag nalaman nilang iniwan ko ang ama nila para sumaya ang anak ni Honey samantala sila ang naiwang walang ama?
“Tatawagan ko si mama. Bukas na bukas pupunta tayong hospital. Ipapa-check up kita.” malamig ang boses ni ate Clea ng tinuran nya iyon. Hindi ako umimik hanggang sa lumabas si ate ng bahay.
“Hayaan mo muna ‘yang ate mo, Magpapalamig lang muna yan sa labas. Halika ka na, Magpahinga ka na muna. Hindi makakabuti sa bata kapag masyado kang na stress at pagod.” nag aalalang ani ate Anchai bago ako inalalayan patungo sa silid ko.
Pinaupo nya ako sa gilid ng kama ko at tumabi rin sya sakin. Hinawakan ni ate Anchai ang palad ko bago ngumiti. “Alam kong wala ako sa lugar para magsalita, pero Kaiya? Huwag mo ipalalaglag ang bata a? Natatakot ako na baka makaramdam ka nanaman ng depression at bata mapunton iyon.” wika nya.
Ngumiti ako ng unti. “Hindi po sumagi sa utak ko ipalaglag ‘to. Natatakot lang po talaga ako, paano ko sila palalakihin ng maayos.” tugon ko.
“Hindi naman iyon dapat ikatakot. Madaming tutulong sayo. Kilala ko ‘yang ate mo, ganyan lang talaga sa simula. Madaming magagalit at madidismaya pero nasisigurado kong sa huli sila ang unang susuporta sayo. Basta nandito lang kami, hindi ka namin hahayaan na magpalaki nyan mag-isa.”
“Magiging mabuting ina kaya ako?”
“Oo naman, Kung gugustuhin mo.”
Tumango ako ilang beses at niyakap si ate Anchai. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Humiga na ako sa kama upang makapag pahinga. Pakiramdam ko ay makakaramdam nanaman uli ako ng panghihilo kapag nasubrahan ako ngayon sa kaiisip sa mga nangyari ngayon.

BINABASA MO ANG
Boyfriend ko sa RPW ang kapitbahay kong ubod ng SUPLADO - ( RPW SERIES #1 )
Teen FictionHighest Rank : #1 - Roleplayworld 01/23/21 #1 - Rpworld 01/23/21 #1 - Rpier 06/13/21 #1 - rpw 02/15/23 Kilalanin si Kaiya na isang GRP na nagkaroon ng boyfriend sa RPW, sa hindi inaasahan ay nalaman niya na ang boyfriend niya sa RPW ang bagong lipa...