SPECIAL CHAPTER

1.8K 125 17
                                    

SPECIAL CHAPTER




"Mommy let's go buy icecream while we waiting Kuya." pangungulit ng anak kong si Sandy.

Nasa park kami ngayon habang hinihintay si Samuel . Siya na nagsundo kay Kyle dahil may pupuntahan pa daw kaming resto na gusto niyang pagkainin namin ngayong dinner.

Alas singko na at dumadami na mga batang naglalaro dito sa park.

"Okay baby, Just wait okay? I'll just get my wallet in our car." saad ko. "Stay here. okay?" bilin ko pa sa kaniya.

Mabilis naman siyang tumango. Tumayo at tumungo sa kotse ko. Mabilis ko lang din kinuha ang bag ko at bumalik na sa bench na inuupuan namin kanina.

Ngunit hindi pa ako nakakalapit kay Sandy ay nakita kong may bolang tatama sa kaniya. Mabilis akong tumakbo pero huli na ako dahil may batang lalaki ang humarang sa bola dahilan para hindi matamaan ang anak ko.

Hinawakan ko si Sandy na makalapit ako sa kaniya. "Baby, are you okay?" I asked Sandy worriedly.

She didn't answer me but she look worried to the kid who saved her. "Kuya, are you okay?" tanong niya dito.

Humarap sa amin yong batang lalaki. Nasa sampong taong gulang na siguro ito. Mas matanda ng limang taon sa anak ko.

"Ayos lang ako. Ikaw ba?" the kid asked.

"I'm okay. Thank you." then Sandy smile sweetly at him.

Hindi ako umimik dahil ang cute nilang tingnan. Kinuha ko nalang ang phone ko at sekreto silang kinunan ng litrato.

Natigilan kaming tatlo ng may bumusina malapit sa amin. "Daddy!" mabilis na lumapit si Sandy sa Daddy nya na kasalukuyang kababa lang sa kotse at karga si Kyle na mukhang inaantok na.

Lumingon ako sa batang lalaki para sana magpasalamat pero tumatakbo na ito palayo at natanaw kong lumapit siya sa isang matandang babae. Mukhang Lola niya 'to kaya tumalikod nalang ako sabay lapit sa asawa at anak ko.

"Sorry natagalan. Kyle want to sleep but he still not done to his exam." ani Samuel.

"It's okay, Baby." Hinalikan ko naman siya sa pisngi bago kinuha si Kyle. "Let's go baby. Kakain pa tayo ng Dinner." saad ko. He just nodded.

Binuhat ko narin si Sandy paupo sa backseat. I also wear her seatbelt. Si Kyle ang binuhat ko sa passenger seat dahil siya ang inaantok. Habang nasa byahe ay kinukwento ni Sandy sa Daddy niya 'yong tungkol sa batang lalaki na tumulong sa kaniya kanina.

Nakangiti lang ako habang nakikinig sa kaniya. Inaalala ko rin 'yong scenario nila kanina. Ang cute talaga nilang tingnan.

Mabilis lang din kaming nakarating sa restaurant na gusto ni Samuel. Naunang bumaba si Samuel para buhatin si Sandy na nasa backseat. Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan para alalayan akong bumaba. Samuel kissed my forehead before we entered the restaurant.

Mabilis kaming inasekaso ng staff ng malaman ang reservation namin. Nagpababa narin si Kyle at Sandy para malibot nila ng tingin ang restaurant.

It's have a modern design. Simple kung titingnan pero engrande ang nasa loob. Pinaupo kami sa katamtamang haba ng lamesa. Merong apat na upuan na sakto sa amin.

Samuel and Sandy was in a right side of table while me and Kyle was in a left side. Hinanda narin nila ang pagkain na inoder namin.

"Birthday ni Kuya Kai bukas. May board meeting pa ako sa umaga. Baka mauna na kayong pumunta kila Kuya Kai." panimula ni Samuel.

Natigilan ako. Naalala ko si Kuya Kai. "Hindi mo naman sinabi sa'kin na hindi niyo kadugo si Kuya Kai. Nalaman ko nalang ng maikasal na si Ate Clea at Kuya Kai."

He chuckled. Ang gwapo niya!

"Si Kuya Kai ang pinakamatanda sa aming tatlo. Hindi pa magka-anak sila Papa noon kaya nag ampon sila. Pero hindi nila akalain na mabubuo si Kuya Syv. Then when Syv was in a ten year old. Mom cheated on my Dad." paliwanag niya.

Tumango ako. Buti nalang hindi sila magkamag anak. Kundi, bawal sila ni Ate Clea.

Habang nag kwe-kwentohan kami ay nakita kong umalis sa upuan si Sandy. Sinundan ko siya ng tingin. Nakita kong tinulungan niyang magpulot ng nalaglag na laruan ang isang batang lalaki.

Kumunot ang noo ko dahil naalala ko siya. Siya 'yong batang lalaki kanina. Tumayo ako at lumapit sa kanila.

"Here." nakangiting sabi ko ng mapulot ko lahat at inabot doon sa bata. Nagulat pa siya ng makilala kami.

"Hey kid, May I know your name?" nakangiting tanong ko.

Magsasalita sana siya ng may magsalita sa likodan niya.

"Drenico!" anang matandang babae. Lumuhod siya para mapantayan 'yong bata na Drenico yata ang pangalan.

"Aatakihin ako sa puso nito e! Bakit umaalis ka ng hindi nagpapaalam." ani matanda.

Natigilan siya na makita kami. Mabilis siyang ngumiti at tumayo.

"Hi, I'm Kaiya. Is he your son?" tanong ko.

"A, hindi, apo ko." nahihiyang aniya.

"A, Where's his parent?" parang tangang tanong ko.

Tumingin muna siya kay Drenico na ngayon ay nakikipagusap kay Sandy. Mukhang nagkakilala na ang dalawa.

"His parents died, when he was a baby." saad nung matanda na kinagulat ko.

"Oh! I'm sorry. "

"No it's okay." she give me a sweet smile.

"Ahm, Si Drenico kasi kanina niligtas 'yong anak ko mula sa bola na tatama sana sa anak ko. Gusto ko sanang magpasalamat. Kung okay lang, Can you join us to our dinner?" nahihiyang tanong ko.

"A, naku, nakakahiya naman." nahihiyang aniya.

Hinawakan ko kamay niya. "No, it's fine. Okay lang po ba?"

She nodded. "Kami lang ding dalawa magkasama e." nahihiyang aniya.

Ngumiti ako. "Thank you. Halika po kayo." ginaya ko sila patungo sa table namin. Mabilis na tumayo si Samuel para makipagkamay kay Lola.

Nagpadagdag kami ng dalawang upuan at pwenesto sa makabilang dulo ng lamesa. Masiya kaming nagsalo-salo. At nagpakilala rin kami sa isa't isa.

That was one of happiest and best dinner we ever experienced. Umuwi narin sila Drenico at Lola. Nag offer kami na ihatid sila but Lola refused it. May dadaanan pa daw kasi sila.

Nagpaalam nalang kami bago umuwi ng bahay.  Tulog na 'yong kambal ko kaya diniretso na namin sila sa silid nila. Si Samuel na ang nagpunas at nagbihis dahil naligo na ako.

Paglabas ko sa banyo ay napangiti ako ng makitang nakatulog narin si Samuel sa tabi ng mga anak niya. Mukhang pagod na pagod ang asawa ko. Napaka workaholic naman nito.

Lumapit ako at hinalikan silang tatlo sa pisngi.

"Mahal ko kayo. Sweet dreams." bulong ko sa kanila bago tumabi sa kabilang gilid ng kama at natulog narin.

Excited na akong ibalita sa kanila bukas na buntis ako...









________________

Special Chapter para sa mga Darkies' ko na walang tigil na sumusupurta sa'kin. Mahal ko kayo! ♡

🎉 Tapos mo nang basahin ang Boyfriend ko sa RPW ang kapitbahay kong ubod ng SUPLADO - ( RPW SERIES #1 ) 🎉
Boyfriend ko sa RPW ang kapitbahay kong ubod ng SUPLADO  - ( RPW SERIES #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon