p r o l o g u e
KAIYA POV'S
"Kaiyaaa! Gumising ka na d'yan! 'Yung sinampay nauusukan na!"
Ang ganda ng bungad diba? Ugh kairita!
Nakabusangot akong bumangon. Kahit gulo-gulo pa ang buhok ko ay bumaba na ako sa sala. Nadatnan ko naman si mama na nagluluto sa kusina."'Yung bagong lipat na kapitbahay d'yan nagsunog ng mga bulok na dahon. Kaya yung mga sinampay na'tin nauusukan." butatak ni mama.
Ngumiwi ako. "Anong gawin ko? Sigawan sila?" nakasimangot na sabi ko. Inaantok pa kasi ako. Kainis!
"Sira! Kunin mo mga sinampay sa likod at ilipat mo sa harap." ratatat pewpew!
Hindi na ako sumagot pa dahil baka batuhin niya ako ng kaldero, delikado na. Sayang beauty ko.
Nakasimangot akong tumungo sa likod ng bahay at pinunpon ang mga damit namin. Pahikab-hikab pa ako habang kumukuha ng damit. Saktong nakanganga ang bunganga ko ng matigilan ako dahil nakakita ako ng Anghel este gwapong lalaki.
Walang emosyong nakatingin lang siya sa akin. Agad akong tumalikod dahil nakakahiya! Wala pang suklay ang buhok ko at mukha pa akong sinambunutan ng sampong beses, tapos nakanganga pa ako ng makita siya. argh!
"Tss," pumasok na siya sa loob.
Sumangot ako. Suplado pft.
So, sila pala ang bagong lipat diyan? Tsk! Kaharap pa talaga ng teresa ko ang teresa ng supladong lalaking 'yun. Ano naman paki ko? Basta ako may jowa. 'Di tulad nung nagbabasa pinagpalit. Charot HAHAHA.
Mabilis ko ng pinunpon ang mga damit at inilipat sa harap ng bahay. Nang matapos ay agad na akong naligo at nagbihis ng uniporme ko. Araw ng lunes ngayon at may pasok ako. Paniguradong hindi naman na ako malalate dahil masyado pang maaga. Mabuti nalang at ginising ako ni mama at nakapag asekaso ako ng mas maaga.
Bumaba na muna ako sa sala at umupo sa sofa bago ni-chat ang boyfriend ko sa RPW. Hindi pa ako nakakapag type ng message at napangiti na agad ako ng makita ang mga chat ng boyfriend ko sakin.
My babe:
Good morning babe!
Don't forget to eat your breakfast.
Ily.Me:
Good morning!
Babe, Papasok na ako sa school.
I love you, too!Two years ko ng boyfriend si Drake, Hindi ko alam kung paano kami tumagal ng ganun gayong nasa pekeng mundo kami nagmamahalan. Alam kong isa sa nga rules na bawal mahulog pero wala e, hindi ko na napigilan. Basta masaya ako kapag kausap ko siya. Masaya ako kapag siya ang ipaguusapan. Mahal na mahal ko ito kahit nasa pekeng mundo lang kaming dalawa.
We didn't break others rules here in rpw. No op, no vm, no vc, etc. Basta wala 'ket isa. Tanging chat lang pero nakakatawang isipin dahil tumagal kami ng dalawang taon. Drake Winx ang pangalan ng boyfriend ko sa rp. Then Amaliah Lxn naman ang akin. Sabi pa nga nila kapag nahulog ka ay talo ka dito sa pekeng mundo. Oo, talo ako. Hindi ko maitatanggi 'yon dahil hindi niyo rin naman ako masisi kung nagmahal ako sa taong hindi ko kilala o sa lalaking nakilala ko lang sa pekeng mundo.
"Hoy! Pangit!"
Napapikit nalang ako sa sigaw ng ate ko. Paniguradong kagigising lang ng bruhang ito.
"Oh? Bakit yun bruha?" tanong ko bago umakyat sa hagdan. Ganito kami tuwing lunes. Akala mo laging may away dahil nagsisigawan kami kahit na ang lapit lang namin sa isa’t isa. Nakakahiya tuloy sa mga kapitbahay.

BINABASA MO ANG
Boyfriend ko sa RPW ang kapitbahay kong ubod ng SUPLADO - ( RPW SERIES #1 )
Ficção AdolescenteHighest Rank : #1 - Roleplayworld 01/23/21 #1 - Rpworld 01/23/21 #1 - Rpier 06/13/21 #1 - rpw 02/15/23 Kilalanin si Kaiya na isang GRP na nagkaroon ng boyfriend sa RPW, sa hindi inaasahan ay nalaman niya na ang boyfriend niya sa RPW ang bagong lipa...