Budget: 100 PesosSaan aabot ang isang daan ko sa wallet? Kung ang gusto ko lang naman isang simpleng bagay.
Ang maibalik ang nakaraan, kung saan masaya at hindi pa mabigat ang lahat. Mga panahong unang maririnig pag gising ay ang tugtog ni papa sa ibaba kung saan makikita silang dalawa ni mama na sumasayaw ng mabagal na tila ba sumasabay sa ritmo ng tugtog. Panahon kung saan kahit ang mga kaibigan ko ay kinikilig.
Bahay na maingay dahil sa tawanan at asaran sa isa't isa. Sabay-sabay sa pagkain habang nagkwekwentuhan tungkol sa mga plano sa buhay. Asaran kung sino ang mag huhugas ng pinggan pagkatapos kumain. Agawan sa balat ng pritong manok, paunhan sa banyo upang maligo at ang pag gising sa madaling araw dahil aalis upang magbakasyon.
Mga panahong wala pa sa isip natin na mayroong kapalit ang kasiyahan. Mga panahong hindi mahirap ngumiti. Panahong hindi pa natin iniisip ang mga opinyon ng ibang tao tungkol sa atin dahil wala pa tayong kamuang-muang sa mundo.
Mga panahong masaya at hindi pa mabigat.
Ayan lang naman ang nais ko. Kasya ba ang isang daan para diyan?
YOU ARE READING
The Book Of Unsaid Thoughts[COMPLETED]
PoetryWARNING: This contains unsaid words or thoughts.