SAMPONG MINUTO

21 2 0
                                    


Sabi nila sampong minuto ka lang dapat susugal,
At kapag natapos ang sampong minutong 'yon,
Dapat wala na,
Dapat tapos na.

Pero bakit ganoon?
Habang nakatitig sa'yo
Hindi ko maiwasang mapaisip,
Handa ba akong sumugal?
Kahit sampong minuto lang?

Ngunit agad ko ding napagtanto,
Hindi kaya ng sampong minuto,
Hindi nito kayang iparamdam sa'yo ang tunay na nararamdaman.

Hindi ko masasabi sa'yo lahat ng gusto kong sabihin,
Sa loob lang ng sampong minuto.
Kaya paumanhin,
Hindi ko kayang sumugal ng sampong minuto lang.

Siguro kung susugal ako,
Hindi limang minuto,
Hindi sampong minuto,
Kund hanggang maubos ako.

Alam kong masasaktan ako,
Pero anong magagawa ko?
Hindi ba't kambal na ng pagmamahal ang masaktan?
Hahayaan na lang siguro ako ng tadhana,
hanggang sa magsawa,
Hanggang sa magising sa realidad.

Na sa sampong minuto,
Makakaya ko ding sambitin lahat ng nararamdaman,
Lahat ng dinadala,
At lahat ng sasabihin.

Sa sampong minuto,
Kaya ko na.

The Book Of Unsaid Thoughts[COMPLETED]Where stories live. Discover now