PANAHON

45 2 0
                                    


Ang bilis ng panahon, 'no?

Naalala kopa kung paano ako kabahan noong nalaman kong papasok na ulit. makakalabas na ulit.

Mula sa nakasanayan na pagharap sa digital na screen sa loob ng bahay, Hanggang sa makaharap at makasama ng harapan. Ramdam ko pa ang kaba ko noon dahil sa naiisip kung paano ako magkakaroon ng mga kaibigan, lalo na't isa akong transferee. Pero sino nga ba ang nakaisip na magkakaroon ako ng mga kaibigan sa higit pa na naisip ko? Ang section na punong-puno ng memorya mula sa mga bardagulan, asaran at gulo, sa loob ng silid- aralan na maiiwan natin.

Sino bang magaakalang ang kabang naramdaman ko noong nabalitaan kong papasok na ulit, sa isang iglap napalitan ng kalungkutan mula sa realisasyon sa maghihiwa-hiwalay na kaming lahat patungo sa aming mga pangarap, Ang bilis nga talaga ng panahon. Ang dating naglalakad papasok ng silid-aralan, ngayon mag lalakad na palabas nang tuluyan.

Ang bilis ng panahon. Transferee lang ako noon ngayon graduate na.

The Book Of Unsaid Thoughts[COMPLETED]Where stories live. Discover now