NAKITA KITA

9 2 0
                                    


Nakita kita kanina,
Ang magulo at mabilis kong paligid,
Tila ba bumagal at huminto,
Nung nakita kitang nginitian ako,
Nadaanan natin ang isa't isa.
Lagi naman.
Pero ang pinagkaiba,
Nginitian at tinanguan mo ako,
Na tila ba binabati mo'ko.

Ang maingay at nakakabinging ingay,
Tila ba natahimik,
Nang marinig kitang binigkas ang katagang "Goodluck"
Dahil alam mong exam namin.

Sa nakakapagod na araw,
Muli akong nabigyan enerhiya,
Nang masulyapan at madaanan natin ang isa't isa.
Ang kaninang matamlay at pagod,
Tila ba biglang nabuhayan ang loob.

Simpleng pag-ngite at pag-sulyap lang natin sa isa't isa,
Tila ba nabawi lahat ng pagod ko at napalitan ng buhay.

The Book Of Unsaid Thoughts[COMPLETED]Where stories live. Discover now