C H A P T E R 2
~*~*~*~
Kaagad kaming nag iwas ng tingin na dalawa ng makaramdam ako ng hiya. Umunat ako sa kawalan na parang walang nangyari at dahan dahang lumingon pabalik sa loob ng unit ko na parang hindi ko tinitigan ang mukha niya.
"Wala na, fucking ruined nanaman ang aking day." Wala sa sarili kong nasalita bago kinuha ang phone ko. Nakita kong nag message na ang driver sa'kin at sinabing malapit na ito.
Napatayo ako sa sofa bago kinuha ang susi ng unit with the card key na rin, na-try ko naman nang buksan uli ang pintuan at kinabukasan babaguhin ko na at lalagyan ko ito ng passcode.
Pumasok ako sa elevator ay nakababa sa lobby ng may kapayapaan sa aking paligid. Saktong pag-baba ko sa baba ay nakita ko na kaagad ang nakaparadang grab driver sa labas kaya kaagad akong nag lakad papunta roon.
"Ma'am Celestine po?" Tanong ng driver at kaagad naman akong napatango. Nag bayad ako sakaniya bago ako nag pasalamat.
"Thank you po kuya," Nag order ako ng japanese food dahil kahapon pa ako nag cecrave no'n, hindi naman ako makakain sa mall dahil maraming inaasikaso. First day na ng pasok bukas kaya ayoko ng mag laboy.
Kahit na orientation palang kuno bukas gusto ko na agad mag advance study, wala naman akong ibang pwedeng gawin kundi mag aral at mag basa.
Masaya akong kinakain ang mga pagkain na inorder ko para sa ikatatahimik ng aking utak. Eating japanese foods made my day so much, lalo na't nawala nanaman ako sa magandang wisyo ko noong nakita ko si Villaroel.
Makikita ko palang ang mukha niya, alam ko na agad that it's a sign na mag iistruggle ako buong school year. Pero dahil this is the last year of high school, i won't let that happened!
Ako ang magiging high school valedictorian ng Rosewell Spring Academy. I will make myself proud at satisfied, i will make my dad proud.
Kinuha ko ang makapal na librong kanina ko pa binabasa dahil nasa Philippine Politics and Government na ang topic na binabasa ko, kagaya nga ng sabi ko nag aadvance reading ako. Kahit na alam ko naman na wala pang masyadong gagawin bukas dahil orientation or getting to know etc ang ganap.
Nagpatugtog lang ako sa TV ng music dahil nga smart TV naman ito hangang sa napagod na ako kaka-aral. Nakita ko kung anong oras na at kailangan ay mahaba ang tulog ko dahil may pasok nanaman bukas at ayokong humikab sa klase.
Isinara ko ang lampshade sa study table bago ako dumeretso sa CR para mag tooth-brush. Wala akong balak patayin ang music sa spotify dahil naninibago pa ako sa dorm.
Kinuha ko ang sleep mask ko at isinuot ko ito sa maya mata ko bago tuluyang makatulog.
Unti unti ko na sanang makukuha ang tulog ko ng may marinig akong wala sa tonong tugtog ng piano.
Bigla ko nalang napa-mulat ang sarili ko habang pinapakingan ko ang sintunadong pagtugtog ng magaling kong kapit-bahay na mukhang wala atang balak mataulog. Ano 'yon? Masyado ba siyang excited na inisin ako bukas?!
Malalim akong bumuntong hininga bago tumayo at isinara ang pintuan ko sa terrace, dahil sa hangin ay parang padabog ang pag-sara nito but i am not sorry. Sana gets niya na 10:30 na ng gabi at kailangang matulog ng mga tao. Bwisit!
YOU ARE READING
Afterglow
Teen FictionEvery single academic contest in the academy speaks their names, no ending competition, endless and unstoppable arguments are always with them, but what if on the last day of their senior year something suddenly changes? What if the two long time ri...