Chapter 8

16 2 0
                                    

 C H A P T E R   8

~*~*~*~


"Hay, lunes nanaman,"


Rinig ko ang mga singhap at hikab ng mga kaklase ko pag-pasok palang namin sa first subject, halata sakanila na hindi natulog dahil maliban sa research, may iba pang requirments sa ibang subject. Mabuti nalamang at na-mamanage ko ang oras ko kaya nagagawa ko agad 'yong akin.


Binuksan ko ang bag ko ata nakita roon ang earpods ni Villaroel na hangang ngayon hindi ko pa rin binabalik, hindi na nga rin tumutugtog 'yong phone niya siguro dahil nahalata niyang nawawala 'yong earpods niya. Okay lang kasi na-save ko na rin sa playlists ko 'yong mga hidden gems na pinapakingan niya.


"Natapos niyo research niyo no'ng weekend?" Tanong ni Julie kay Alisa na nasa tabi ko


"Nakagawa naman kami, nadaan sa puro pancit canton," Narinig ko ang tawanan nila.


Malalim lang akong napabuntong hininga habang nag-kwekwentuhan ang mga kaklase ko, inaantay namin ang teacher namin sa first subject, gen math ang first subject ngayong lunes kaya inihahanda na ng iba ang kanilang mga utak.


"Satingin niyo ba may mabubuong lowkey feelings rito sa classroom dahil sa by partner sa research?" Narinig ko ang boses ni Glaiza, Jillian at Seulli sa harap ko.


"I mean, hindi naman 'yon maiiwasan. Lahat kaya ng classmates nating lalaki gwapo, sinong hindi magkakaroon ng crush sa mga 'yan eh bukod sa sporty, matalino rin," Sagot naman ni Seulli sa tanong ni Jillian. Si Glaiza ay tahimik lang na nakikinig sakanila. 


"Pero do you think may something kay Jelaine at kay Rivero? I mean, you know malay mo they like each other na," Seulli suddenly spoke. Hindi nila tinatawag si Jelaine sa apelyedo niya dahil maraming Kim sa classroom. 


"Sinabi naman na nilang dalawa na walang sila, respetuhin nalang natin." 


Nag-iba na ang topic ng chismisan nila dahil naki-sali na rin sila Julie at Nadia.  


Nag-si-pulasan na rin ang mga ito noong dumating na ang first subject namin. Nag lesson lang about sa social issues, their types tapos nagpa-quiz. expected naman na dahil sa subject na 'to laging nagkakaroon ng quiz and recitation after the teacher discussed the lesson.


"Who got 20?" Noong tinanong na ni sir ang mga naka-perfect sa quiz ay kaagad akong nag-taas ng kamay. 


Walang naka-perfect maliban saakin--at syempre kay Villaroel. Kaming dalawa lang ang naka-perfect sa quiz.

AfterglowWhere stories live. Discover now