C H A P T E R 2 2
~*~*~*~
"Ang awkward raw ng buong council. Nag-away nanaman raw ang President at ang Vice kahapon."
Mariin na napapikit si Macy dahil sa narinig niya. Naisip niyang mabilis talagang kumalat ang balita. Wala bang ibang pwedeng pag-usapan ang mga ito maliban sa kanilang dalawa ni Migo?
Napainom na lang siya ng kape habang nag-babasa ng mga notes na namiss niya sa kaniyang tablet. Walang tunog ang earbuds na suot niya kaya nama'y nairirinig niya ang nasa paligid.
Halos hindi na s'ya natulog kagabi kaka-aral sa namiss niyang mga subjects, at kakaisip sa lahat ng responsibilidad na kinuha niya. Wala s'yang magawa kundi sisihin ang sarili, dahil ginusto naman niya 'to lahat.
Nasa corridor pa lang s'ya ay rinig na niya ang ingay ng mga kaklase niya. Ngunit noong pag-pasok niya sa loob, the noises from her classmates abruptly faded. Iniikot niya ang mga mata niya at nakitang may kakaiba sa classroom.
'Ah, I see. Nag-bago ng seating arrangement.'
"Macy, nilipat nga pala ako sa tabi mo." Alisa approached her. She seemed tense and anxious, kinakabahan ito at napahawak pa sa braso niya habang kinakausap si Macy.
Tumingin siya sa kinauupuan at nakitang nandoon si Villaroel sa tabi niya.
Nakarating agad kay Ms. Irene ang balitang nag-away nanaman silang dalawa, at sa harap pa talaga ng maraming tao. Kaagad na nakatanggap si Macy ng mahinhing pagpapaalala galing kay Ms. Irene Sabuente, at sinabi nitong may surprise punishment siyang ibibigay sa mga ito.
'Out of the box naman ang ginawa niya. Gumawa talaga s'ya ng paraan at iniba ang seating arrangement namin para lang magkaroon s'ya ng tyansang ilipat si Villaroel sa tabi ko.'
Macy has no emotion when she placed her bag in her seat, kaagad na rin siyang umupo at tumuloy lang sa pag-babasa. Hindi niya binalingan ng tingin si Migo, ngunit kanina niya pa nakita na natutulog ito.
'Ang hina naman niya para matulog sa klase. 'Yan ang bagay na hinding hindi ko gagawin.'
Katulad ni Macy, hindi rin makatulog si Migo kagabi. Maliban sa pag-hahanda ng report and proposal para sa up-coming teacher's day, kailangan niyang humabol sa mga na-miss niyang activities at lessons.
It's not typical na magkaroon si Migo ng negative thoughts, pero kagabi, hindi niya kinaya.
YOU ARE READING
Afterglow
Teen FictionEvery single academic contest in the academy speaks their names, no ending competition, endless and unstoppable arguments are always with them, but what if on the last day of their senior year something suddenly changes? What if the two long time ri...