Chapter 29

5 2 0
                                    

C H A P T E R  2  9 

~*~*~*~



Katahimikan ang nakapaligid saaming dalawa ngayon habang nasa loob ako ng sasakyan niya. Traffic rito sa session road dahil sa dami ng tao, paano pa kaya sa kalsada malapit sa burnham park?



Hindi ko siya iniimik at nararamdaman ko naman ang maya't-mayang pag-silip niya saakin habang nasa gitna kami ng traffic.



"Hindi naman nila nakita kasi nag-disconnect." Panimula niya. Seryoso pa rin ang tingin ko at deretso ang mata sa sasakyang nasa harap ko.



"Hindi naman nila nalaman--"



"Paano kung nalaman nila?" Sabat ko sa kan'ya. Saglit siyang nanahimik. "Akala ko kasi sasabihin mo na mag-kasama tayo eh. Edi inunahan na kita." 



"Pinag-iisipan ko pa nga kung sasabihin ko kaya dinadahan-dahan ko 'di ba? Dapat kung gusto mo palang ikaw ang mag-sabi sinabi mo na agad sa group chat niyo." 



Ilang segundo nanaman siyang nanahimik. Nakakabigla kasi 'yong ginawa niya. Hindi naman ako mananahimik ng ganito kung hindi niya sinabi 'yon. 



Date? Gago ba s'ya?



"Umamin ka nga sa'kin, Villaroel." Masama ko siyang tiningnan. Nakita ko siyang napalunok dahil sa tingin ko. Nasindak ko ata 'tong mokong na 'to.



"Gusto mo ba 'ko?" 



Nakita ko ang saglit na pagtigil ng buong katawan niya bago ko nakita ang isang hindi makapaniwalang ngisi galing sa kan'yang labi. He scoffed and gulped, looking at me directly with his poker face.



"It's just a joke, okay? Ako pa talaga? Baka ikaw ang may crush sa'kin kaya palagi mo 'kong inaaway." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. This time, I am the one who scoffed and looked at him with disbelief painted in my eyes.

AfterglowWhere stories live. Discover now