C H A P T E R 3 2
~*~*~*~
"Hay sawakas, dinala rin ang mga inumin!" Natawa ang iba dahil sa sinabi ni Carli. Kakatapos lang kasi namin ni Law na mag-luto at kami na rin ang kumuha ng tinimpla na juice.
Everyone was so relieved when the two of of us left the kitchen with the home made juices. Kanina pa raw kasi sila nauuhaw at hindi raw sila hinahayaan nila Shania at Jihara na pumunta sa kitchen.
"Sisirain n'yo lang kasi moment nila!" Jihara shouted habang sinasalinan ng tubig ang mga nag-aabot ng baso sa kan'ya. Paano kasi, s'ya ang unang humawak sa mango juice.
"Anong moment pinag-sasasabi mo? Nag-luluto lang sila!" Kaagad naman na kinontra ni Carli ang sinabi nito. Nag-dilatan ang dalawa at nag-taasan pa ng kilay. Napapailing na lang ako habang tumitingin kay Lawrence.
Sanay na ako sa mga ganitong sitwasyon, pero si Law? He's a guy na gustong nililinaw ang dating status n'ya. I am afraid that he's uncomfortable about their jokes but surprisingly, he's not.
"Guyabano?" He offered his glass of guyabano juice but i politely declined. Guyabano's really great but It's not my thing.
"Nah, I'll prefer--"
"Macy, mango juice." Natigil ang pag-sasalita ko nang biglang iabot ni Villaroel ang isang baso ng Mango Juice. Kaagad na kumunot ang noo ko.
I was about to say that!
Mabuti na lang at nag-kukulitan ang iba kaya walang nakapansin sa ginawa niya. Pilit akong ngumiti sa kan'ya bago kinuha at ininom 'yon.
"Bakit ba?! Masama bang i prefer James Reid over Daniel Padilla?!" Napatingin ako kila Carli na parang mga timang na nag-dedebate. Bigla na lang napunta sa love teams 'yong chismisan nila.
"Huy, gagan'yan gan'yan 'yan si Minjin pero fan pa rin 'yan ng aldub." Natawa sila ng malakas dahil sa pang-aasar sa bata. Napapailing ako dahil sa sinasabi nila.
"Gagi! Hindi lang pala ako?!" Everyone bursts into laughter when Chelsea suddenly shouted those words.
Napa-indian seat ako habang nakatingin sa kanila na nag-tatawanan. I noticed Lavender moved to Migo's right side making me suddenly lose my happy expression.
I just don't know why. Maybe I'm that bitter towards Lavender. But wala rin akong magawa dahil gusto ko pa rin s'ya maging ka-close. After that cold war, or kahit may cold war pa rin sa pagitan namin, pinapansin n'ya pa rin naman ako for professionalism. I just really want to know what happened between us.
YOU ARE READING
Afterglow
Teen FictionEvery single academic contest in the academy speaks their names, no ending competition, endless and unstoppable arguments are always with them, but what if on the last day of their senior year something suddenly changes? What if the two long time ri...