C H A P T E R 1 9
~*~*~*~*~
"Migo! Sandali!" Malakas na sigaw ng batang babaeng kulay rosas ang suot na dress, malawak ang ngiti nito habang hinahabol ang kaibigan sa isang malawak na bakauran.
"Bakit ang bilis mong tumakbo! Nakakainis!" Dagdag pang sigaw ni Macy at napangisi na lamang ang batang lalaking kan'yang hinahabol.
Maya maya pa'y napahinto ang batang babae sa pagtakbo kaya nama'y napatigil rin ang batang lalaki. The little boy smirked at the sight of the little girl panting heavily as she looks at him with dark hooded eyes.
"Inaya mo ba akong tumakbo para yabangan ako? Dahil may bago kang sapatos?" Dahan dahang naglakad papalapit si Migo kay Macy habang nakasteady ang kamay sa kaniyang bewang.
"Ang ganda 'no? Regalo ito ni Ninong saakin." Pagmamalaki ng batang lalaki. Macy scoffed before she answered "Heh! Iyan lang ang bigay sa'yo ng Papa ko, samantalang ako binilhan niya ng dollhouse! Saka alam mo ba? Binigyan rin ako ni Ninong Gael ng ballet shoes!" Mariing sigaw niya sa batang lalaki.
Napangiti si Migo dahil sa nakikita niya. Hindi niya maitanggi na talagang gustong gusto niyang inaasar ang kinakapatid. Hindi niya maitatanggi na si Macy ang isa sa dahilan bakit wagas siya kung ngumiti.
"Yael! Celestine! Hinahanap kayo nila Tyrone at Jyro! Nandito na ang mga anak ng bisita, tara na," Dumating ang Mommy ni Migo habang nakasuot ng isang eleganteng pulang kasuotan. Pulang pula ang mga labi nito at ang mala-buhanging kulay ng kan'yang buhok ay bumabagay sa kaniyang itsura.
"Migo, sabi ko naman sa'yo 'wag mo masyadong hinahayaan na habulin ka ni Macy dahil nakasuot s'ya ng dress." Pagkalapit ng dalawang bata ay kaagad na ginulo ni Mrs. Villaroel ang buhok ni Migo habang pinag-sasabihan ito.
Pumasok ang mga ito sa isang malawak at mala-palasyong mansyon. Ang bahay nila Migo na ipinamana ng ninuno pa nila noong panahon ng espanyol. Ganoon katagal, ngunit dahil hindi ito naiiwang walang tao ay napapanatili pa rin ang kagandahan ito.
"Macy!" Nanliwanag ang mata ng batang babae ng tawagin siya ng dalawang batang lalaki na nakasuot ng pormal na kasuotan. Bigla namang lumabas ang walang ganang pagmumukha ni Migo na sikat sa mga kaibigan niya.
YOU ARE READING
Afterglow
Genç KurguEvery single academic contest in the academy speaks their names, no ending competition, endless and unstoppable arguments are always with them, but what if on the last day of their senior year something suddenly changes? What if the two long time ri...