Chapter 7

16 2 0
                                    

 C H A P T E R   7

~*~*~*~

Naramdaman ko ang malakas na sikat ng araw na dumadampit sa mukha ko, dahan dahan na akong nagising roon dahil masyado akong sensitive pagdating sa liwanag kapag natutulog ako.

I roamed my eyes around when i felt na hindi nalang ako ang tao rito sa library, mukhang nag-bukas na rin ang library, at hindi kami ginambala ng administration dahil tulog kami.

Kaagad akong tumingin sa harap ko, pero nawala ang hinahanap ko. Wala na si Villaroel sa harap ko.

Napa-face-palmed nalang ako sa sarili ko bago nag punas ng muta at sa gilid ng labi ko. Nakaramdam rin ako ng may kung anong jacket ang naka-patong saakin, kaya noong naramdaman ko 'yon ay kaagad ko 'yong kinuha para makita ko.

Nanliit ang mga mata ko ng may makita akong MYGV sa gilid ng jacket. 

"Paano napunta sa'kin 'to?" Hindi makapaniwala kong saad dahil nakita kong kay Migo Villaroel ito, suot suot niya lang 'to kagabi bakit na sa akin na?

"Excuse ma, ma'am, kayo po ba 'yong naiwan sa library kahapon?" Napa-angat naman ako ng tingin sa isang taong isa sa mga assistant librarian rito. Bata-bata pa kasi ang itsura niya.



"Ikaw lang ba ang naiwan, hija?" Tanong saakin ng head librarian noong naka-dating ako sa loob ng opisina nila.

"Uh, actually dalawa po kaming naiwan. Siguro po ay umalis na po 'yong kasama ko kanina noong nag-bukas itong library." 

"Sige, paki-lagay nalang ng pangalan ninyo rito at ng contact number niyo dahil kung sakaling may damages kayong ginawa sa loob o may ninakaw na kung ano, pasensya na pero kayo ang malalagot. Pasensya na rin dahil hindi kayo nakita kagabi," 

Hindi na ako sumagot sa halip ay kinuha ko nalang ang papel at isinulat roon ang pangalan naming dalawa.

Villaroel, Migo Yael G. -

Teka, ano nga uli number ni Villaroel?

"Wait lang po," Saad ko sa mga tao rito.



_________________________________________

Migo Villaroel

active 20 minutes ago

Macy Suarez
hey
what's your number?
need here sa library
umalis ka na kasi kaagad.
sent 7:30 am

_________________________________________

Bahagya akong napa-buntong hininga dahil hindi siya sumasagot, mukhang natulog uli ito noong umuwi siya. Hindi ko naman pwedeng tawagan si Jyro at si Tyrone dahil baka tanungin nila saakin ang nangyari. 

"Bahala na," I whispered.

_________________________________________

Grade 12 HUMSS - C |
Class Kalats

Macy Suarez
@Migo Villaroel
kindly seen my messages.
seen by Alisa, Dominic and 7 others.

_________________________________________

Nanliit ang mga mata ko dahil halos iba sakanila ay gising na. That's so unlike them! Baka may morning routine or jog sila kaya maaga sila nagising.

AfterglowWhere stories live. Discover now