Chapter 11

15 2 0
                                    

C H A P T E R  11


~*~*~*~


"Mom! Nandito si Ate!" Bumungad ang boses ni Marco pag-tungtong ko palang sa bahay. Nakita ko kung papaano winasiwas ni Missy, Uncle Mason's dog ang buntot niya.


"Akala ko ba hindi ka uuwi?" Tanong saakin ni Marco habang binuhat ko si Missy. Missy is a 1 year old chow-chow, bigay lang ng isang ka officer worker si Missy kay Uncle.


"Nasaan si Uncle?" Tanong ko kay Marco. Sa itsura nitong kapatid ko ay tila hindi pa ito naliligo at bagong gising palang.


Nakasuot ng light blue na t-shirt at grey sweatpants habang magulo ang buhok niya. Nakahawak siya sa matangos niyang ilong habang tuwing na nakatayo.


"May sipon ka?" Tanong ko sakaniya 


"Wala, makati lang. Kumain ka na?" Naglakad siya patungong kusina at sumunod naman ako. Kung maka-asta 'tong batang 'to ay parang hindi kausap ang beloved older sister niya! Hindi manlang gumamit ng ate?


"Kumain na ako. Ikaw kumain ka na ba? Ikaw ata ang hindi kumakain," Tumingin ako sa nasa table at nakita na maya scramble eggs and longanisa 


"Nasaan si Uncle Mason?" 


"Saan pa ba, ate? Malamang nasa city hall." Tiningnan ko lang ng masama si Marco na mukhang nainis dahil sa tanong ko.


"Macy! Akala ko ba hindi ka uuwi? Busy ka sa campaign, 'di ba?" Bumungad si Mama na galing pala sa garden. May dala pa kasi siyang pang-dilig.


"sasamahan ko si Marco sa library, ma," Sagot ko naman.


Totoong nag-pasama si Marco saakin. Gusto niyang samahan ko raw siya sa bookstore dahil hindi niya alam kung anong bibilhin niyang libro related sa subjects niya. Hindi naman na kailangan? May library naman sa Rosewell.


"Bakit hindi ka nalang kasi mang-hiram ng libro sa Rosewell Library, Mac?" 


"Sinong may sabi sa'yo na bibili ako ng libro? Sasamahan mo lang ako sa mall, ate." Naglakad ako patungo sa kusina at ibinaba si Missy


"Ang sabi mo papasama ka bumili ng libro?"


"Change of heart. Mahal 'yong libro na gusto ko tignan," Hindi ko nalang siya sinagot at sa halip ay kumuha ng tubig para uminom roon.


"Hindi ka ba pagod ngayon?" Biglang tanong saakin ng kapatid ko kaya napatingin ako sakaniya at napakunot ang noo


"What do you mean?"


"I mean, one week kang nangangampanya, ate. Plus the school-works. Okay lang naman kung hindi mo ako masasamahan. Mag-pahinga ka nalang." 

AfterglowWhere stories live. Discover now