C H A P T E R 10
~*~*~*~
"Narito na ang mga kabataang ipaglalaban ang inyong mga karapatan, mga kabataang may utak at may kinikilingan, narito na ang Sandigan Partylist!"
The classroom of junior high school let out a loud of applause when we come to their classroom. Nasa building kami ng Junior High para mangampanya. This were the election week and it's so hassle. Kailangan kong gumising ng maaga dahil kailangan naming mangampanya.
It's wednesday, dalawang araw na rin kaming nangampanya ng maaga pero dahil binabalanse namin ang schedules namin at may tamang pag-mamanipula sa oras namin, hindi nakakalimutan ang pahinga. Nakakabilib rin 'tong iba kong kasama sa partylist dahil na rin hindi sila nag-kakasakit. Usually kapag may campaign na ganito may isa o dalawa sa mga members ng party ang magkakaroon ng sakit dahil sa sobrang pagod.
Well, i am glad that my co-members are well, mag-sisilbing magandang image ito sa mga students dito sa Rosewell.
Those two days were tough. Pinag-sasabay ko ang pag-aadvance study, ang mga activities, and my role as class president. Mabuti nalamang at suportado kami ng mga kaklase namin. Nag-jojoke pa nga ang mga ito na mabuti nalang raw hindi kami mag-kalaban sa iisang posisyon ni Villaroel dahil kung hindi, baka-malagot raw sila sa isa saamin.
Nag-papasalamat pa nga ang mga loko dahil ganoon raw ang nangyari. Pero wala naman talaga akong balak na makipag-kumpetensya kay Villaroel sa iisang posisyon. At alam ko rin sa sarili ko na ayaw ko ang President position. Kaya na niya 'yan tutal bida bida s'ya.
"Take a rest, guys. Magpapatuloy tayo ng panganagampanya after your first subject after break, enjoy the vacant time," Lavy sweetly smiled at us before drinking her water. Kahit na mainit ay she still look neat.
Her long hair shines with her neat school uniform. Hindi siya naka-make-up pero ang ganda pa rin niyang tingnan.
Lahat ng mga pang-umaga na may klase na nangangampanya ngayon ay nag-sibalikan sa mga classroom nila. Habang ang iba namang panghapon pa ang pasok ay nanatili lang sa bleachers rito sa gym.
"You want some?" Offer sa'kin ni Lavy ng isang energy bar. Sa dalawang araw na kasama ko lagi 'tong si Lavander, masasabi kong mahilig siya sa mga diet energy bars. Minsan hindi ko siya nakikitang kumakain ng kanin, tanging diet bars lang.
Ngumiti ako sakaniya bago ko kinuha 'yong inoffer niya sa'kin na energy bar.
"Thanks," I said before drinking my water in my water-bottle.
Sa ngayon, hindi pa kami sigurado sa mga magiging kinalabasan ng eleksyon. Malakas rin kasi ang partido nila Migo. Bakit? Kasi nasa partido niya 'yong anim niyang tropa. Oo, tumakbo rin 'yong mga 'yon. Hindi ko lang sigurado kung lahat ba sila tumakbo, basta nakikita ko 'yong barkada nila na laging mag-kakasama sa pangangampanya.
And guess what, ang Vice President ng partylist nila Migo ay si Athena. Kapag nga nag-sasalubong kami ng landas ay parang tinatarayan ako no'n. Ewan ko ba bakit ang kapal ng nguso niyang mag-ugali saakin ng ganoon. Ako pa ginaganon niya?
YOU ARE READING
Afterglow
Teen FictionEvery single academic contest in the academy speaks their names, no ending competition, endless and unstoppable arguments are always with them, but what if on the last day of their senior year something suddenly changes? What if the two long time ri...