#WCHB0

1.2K 15 7
                                    

#WCHB0

Sharyn's POV

"Tunaw na 'yan."

Siniko ako ni River habang nagsusulat ako kaya lumampas sa guhit ang letra. I immediately glared at him. Papansin na naman...siguro wala na naman siyang fuck buddy.

"Sa white board ako nakatingin. Just write, will you?" Sumimangot ako.

Nakita ko na wala na namang laman ang notebook niya kundi puro sketch. Kung biniyayaan lang din siguro ako ng talento sa pagguhit ay baka ganyan din ang notebook ko. Sa kagandahan na lang talaga ng sulat ako bumabawi.

"Sulatan mo ko," ngumuso siya, mukhang aso. "Masakit kamay ko." Pinakita niya sa akin ang band-aid sa kamay niya.

I rolled my eyes. "No, River! No! May dalawang kamay ka. Gamitin mo ang isa na hindi nasugatan. Why kasi nakikipag-away ka pa?"

"Sharyn naman, parang hindi tayo friends. Sige ka, sasabihin ko kay Jhules na crush mo siya." Bulong niya sa akin. 

Hindi tuloy ako makapag-focus imbes na natatapos na ako. Hindi ko pinansin si River tapos nagsulat na ako hanggang sa malakas niyang tinawag ang pangalan ni Jhules. 

Holy shit! 

"Jhules, may sinasabi si Sharyn, o—hmmm!" 

"I am going to kill you, River!" I threatened him, tinatakpan ko ang bibig niya habang kinukurot ko ang braso niya. 

Wala ang professor namin kaya pwedeng-pwede ko siyang ilibing ng buhay. My classmates will not mind, baka maghagis pa sila ng bulaklak sa hukay ni River.

"Aacck! Sharyn–ang sakit," reklamo niya. Hinawakan ang parte na kinurot ko.

Pagtingin ko sa unahan, Jhules was looking at us. Nakakunot-noo siya. Shit. Ang gwapo talaga! Labas na labas pa rin ang dimple niya kahit na straight face lang siya.

"Jhules, o." Tinuturo ako ni River.

Bigla akong na-conscious kaya umayos ako ng upo. But I wasn't sure if I would fix my hair or my clothes–baka masyado na akong obvious na nagpapaganda sa kanya–naka hang na lang tuloy ang kamay ko sa ere. 

Awkward. Kumaway na lang ako para sabihin na wala. 

"Ginagago ka lang ni River," sabi ko na lang sabay kurot kay River na sumigaw na naman kaya nagulo ang buong klase. 

Jhules didn't say a thing. Hindi rin napalitan ang kunot sa mukha niya tapos bumalik na siya sa pagsusulat. 

"Oy, Eustaquio. Ang ingay mo na naman! Ililista kita sa noisy," iritang sabi ni Sebastian, he's the president of our class. 

"Ulol, Sotto! Ano ka, highschool? Noisy mo mukha mo!"  Nag-middle finger si River kay Seb na nasa dulo ng row namin. 

Nakita ko na nainis si Seb pero hindi na niya pinatulan si River. For sure, mauuwi sa suntukan kapag pinatulan pa niya.

"Akin na nga para manahimik ka na!" Inagaw ko na ang binder niya. 

Nagrereklamo na rin kasi sila na ang ingay ingay ni River. 

I kinda regret being friends with River. Kung hindi siya ay si Sai naman, nandyan din si Aero, may times na si Five tapos Skater. 

Si Jhules lang naman ang hindi nagpapasakit ng ulo ko–iba kasi ang sinasaktan niya sa akin.

I inhaled deeply. Nilabas ko lahat ng negative energy na nakuha ko kay River. 

Mas marami namang perks ang pagiging one of the boys ko–I'd rather be with them than be with fake girl groups that only wanted me because boys are lining up for my attention. Gusto lang nila na makisawsaw. 

We Could Have Been (Could Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon