#WCHB2

458 9 3
                                    

#WCHB2

Sharyn's POV

"He's an art student...I am sure of it."

I chewed my lower lip. Kanina ko pa kinakausap ang sarili ko habang nakatingin sa papel na nasa ibabaw ng table.

Sumandal ako sa upuan pero hindi ko pa rin inalis ang titig ko sa papel. Matutunaw na ito pero hindi ko pa rin lubos maisip kung kanino na naman galing ang drawing na ito.

It's the second time. Mukha ko na naman. This time, I was biting the straw of my fruit tea. I remember this scene, kanina lang ito. Saglit lang din ako na tumitig sa labas ng coffee shop because I was thinking ideas for my paper. After that ay bumalik na ako sa ginagawa ko. Mga kalahating minuto ay pumunta ulit ako ng comfort room tapos ayan na...

How the hell did he capture this in an instant? Ang bilis naman niya magdrawing.

"Or maybe architect?" sabi ko ulit sa sarili ko.

I was just guessing because I didn't know who.

It could also be just a student. Hindi naman lahat ng magagaling magdrawing ay art student. It could be his passion or maybe he was just impressing me.

Hell. Nakuha na niya ako agad sa unang drawing pa lang. Ilang drawing pa ba ang gagawin niya para magpakita siya sa akin? Why not show himself right now? Is he not confident with his appearance?

But he is so talented. Why hide from me? Ano 'to, suspense? Well...kinikilig ako!

"Oh, damn..."

I was smiling. Hindi talaga mawala! Siguro para na akong tanga roon pero kung sakali man na nasa tabi lang ang nagbigay sa akin nito ay deserve naman niya na makita ang ngiti ko.

"Kapag nagpakita ka talaga sa akin...sige ikaw na ang crush ko," bulong ko sa sarili. "Why are you so talented?"

Lumingon ako sa paligid pero wala namang nakatingin sa akin. Napaka-mysterious naman nito. Pinatong ko ang dalawang kamay ko sa baba ko tapos pinagmasdan ang dalawang drawing. It was then I realized that there's a small letter on the right side.

Tinapat ko pa sa mukha ko para makita ang letra na nasa ibabaw ng linya na una ay akala ko sign niya pero mukha nandoon lang para i-emphasize ang letter.

"A...L..."

Wait...cool!

Letter A sa unang drawing tapos letter L sa pangalawang drawing! Makakabuo ba ako ng salita?

Ang exciting naman nito!

I was still giggling at the thought of meeting the guy behind this when I smelled a familiar perfume.

Agad na umangat ang tingin ko. "Jhules!"

Nagulat na sabi ko sabay patong ng mga libro sa papel para hindi niya makita ang drawing pero huli na.

"Hmm…that's pretty."

Sharyn, kalma. You heard that a lot. Si Jhules lang 'yan.

"You're pretty in there. Why are you hiding it?" tanong niya tapos sinusubukan na tingnan.

Yumuko ako dahil sa pamumula ng pisngi ko. It's so hot!

"Ah, no! Nakakahiya," sabi ko. "Saka hindi ko nga alam kung sino nagbigay nito."

"It must be your secret admirer. Marami ka noon, e."

"Ikaw…"

"Huh?" Umangat ang kilay niya.

"I mean…ikaw rin naman. Marami. Wala ka pa rin ba nagugustuhan sa kanila?" I made it sound casual but maybe I failed.

"I'm busy," sabi niya.

We Could Have Been (Could Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon