#WCHB8

437 7 1
                                    

#WCHB8

Sharyn's POV

We're good as friends. I think we're way better being friends than being lovers. Although, there were moments that I would say Owen is really a boyfriend material.

Bumawi talaga siya sa ginawa niya. He made sure that I would feel comfortable whenever his around and assured me that nothing strange would happen again... and that I would never have to doubt his intentions.

"Ihahatid na kita," he offered to me. He usually does whenever we finished our events late, sinabihan din kasi siya ni Kuya na ihatid ako tuwing uuwi ng late.

Nasa Angono kami para sa isang charity event. Medyo natagalan kami na makauwi dahil gusto ng mga bata na makipaglaro pa sa amin. Minsan lang naman kaya sinamahan na namin sila tapos hinintay lang na makatulog para makauwi na kami.

Nauna na ang mga kagrupo namin sakay ng van. Alas-dyes na rin, sa Paranaque pa ako nakatira tapos si Owen ay sa Makati. Kami na lang ang natira kasi kinausap pa namin ang mga madre sa ampunan.

"Hanggang kelan ka walang driver?" tanong niya. "Bakit nga pala nagcocommute ka papasok sa school? Wala bang maghahatid sayo?"

"Meron naman," sabi ko pagpasok namin sa sasakyan niya. Nagseatbelt ako tapos pinaadar na niya. "Kaso sabi ko sa parents ko ay gusto ko na magcommute para maranasan ko rin."

Matanda na ako tapos hindi ako marunong sumakay ng dyip, bus, tapos train. Gusto ko rin naman na maranasan 'yon kasi pakiramdam ko hindi ako normal. Syempre, para mas marunong akong makisama at mas maramdaman ko ang pakiramdam ng mga tinutulungan namin, gusto ko na ilagay ang sarili ko sa pwesto nila.

"Sinusundo lang nila ako kapag gabi na. Minsan sumasabay ako kay Jhules."

Nawala ang ngiti sa labi ko pagkasabi ko ng pangalan ni Jhules. Napansin ni Owen kasi nakita ko na tumingin siya saglit bago ibalik ang tingin sa daan.

He didn't say a thing. Buti naman kasi ayoko rin magsalita. Saka mukhang hindi na rin ako sasabay kay Jhules. Nahihiya na rin ako dahil mukhang may something na sa kanila ni Eve—o mas tamang sabihin na gusto na ni Jhules si Eve.

Hindi naman ako chismosa. Sadyang madaldal lang si River. Pinapamukha niya talaga sa akin para magmove on na ako.

I was really trying my best—I am trying my best. Nag-e-entertain na nga ako ng ibang suitors. I mean, just casual talk. Hindi ko naman sila pinapaasa pero pinapakiramdam ko lang ang intensyon nila.

So far, si Owen pa lang naman ang feel ko. Basically, he's always with me kaya nakagaanan ko na siya ng loob.

I could say crush ko siya. Marami nga akong crush. Pati nga ung vokalista ng Exodus na high school palang ay crush ko.

Crush lang naman—pampabuhay ng dugo lalo na kapag sobrang boring sa klase.

Speaking of, I still need to prepare for our debate club tapos may wine tasting pa kami para sa party ng anak ni General Eleazar.

"Are you okay?" tanong ni Owen pagkatapos ng ilang minuto.

Medyo aligaga na kasi ako sa passenger seat nang maalala na ang dami ko palang gagawin. Kinuha ko ang planner ko at tiningnan dahil baka may mga makalimutan ako na details.

"Yes, sorry. Huwag mo na ako pansinin," sabi ko. "Ayusin ko lang schedule ko."

Mula sa peripheral vision ko ay tumango si Owen tapos pinindot niya ang music player. He played some instrumental songs. Nakakaantok. Sa sobrang pagod ko ay nakatulog na ako.

Ganoon lang naman ang daily routine ko. It's mundane pero nasanay na ako. Gustong gusto ko rin kasi talaga na nagpaplano ng events. Kung hindi siguro ako magiging lawyer ay baka event organizer ako tapos paborito ko na i-organize ang mga gigs ng bandang Exodus.

We Could Have Been (Could Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon