#WCHB1
Sharyn's POV
"Wow..."
I looked at the piece of drawing paper portraying my action a minute ago. Nakayuko ako habang nagbabasa ng libro at nakapalibot sa akin ang mga highlighters.
My black hair with gray highlights was a bit messy in the drawing like it was before I went to the comfort room to fix myself.
I had to look at my table to compare the drawing and was truly amazed—beyond amazement dahil kuhang-kuha ng kung sinuman na nag-drawing nito ang ayos ng table ko.
But...who?
My gaze turned around the coffee shop. Tatlong table lang ang may mga customers. On the left side of the window, may couple na nagsusubuan ng pagkain. Of course, hindi naman pwedeng isa sa kanila.
I doubt if it's the group on the side since they were all girls. Hindi naman siguro babae ang nagkakagusto sa akin. Sa likod ko naman ay may isang lalaki na nanonood na sa ipad niya. It could be him...but how could he drew me from my back?
Pretty sure it's from someone in front of me. Lumingon ako sa kabilang side ng coffee shop, no one was there.
I pursed my lips.
How about the barista?
Alam ko na hindi ako makakatulog kapag hindi ko nalaman kaya tinanong ko na ang barista kung sino ang nag-iwan ng drawing sa table ko.
"I'm sorry, Ma'am. Hindi po namin napansin." Mukha namang hindi nagsisinungaling si Ate barista.
"Okay. Thanks."
Bumalik na ako sa table ko. Imbes na mag-aral ay tinitigan ko talaga ang drawing. Ang ganda. Bakit wala akong ganitong talent?
Kahit tuloy hindi ko kilala ang gumuhit pakiramdam ko ang gwapo niya. It could be a man—it seems so based on how he portrayed me.
Bakit kinikilig ako sa drawing?
Ang ganda talaga!
I was tempted to ask permission sa Manager to take a look at their CCTV for me to know who left the drawing pero hindi ko na ginawa.
I like some mystery in my life. And...the thought of having a secret admirer who's into art thrilled me. This is the first time that someone gave me an artwork with me as a subject.
Madalas kasi na puro chocolates, flowers, love letters with ungrammatical sentences ang natatanggap ko.
Tulad ngayon, pagbukas ko ng locker ko ay nahulog ang mga envelope pati bars ng chocolate.
"Oh, damn." I muttered in deep breath.
It's not that I wasn't grateful because they admired me. Minsan nakakapagod din na nasayo lahat ng atensyon.
Nakikita ko rin ang sarili ko sa kanila at alam ko ang pakiramdam na kahit ibigay ko lahat ay hindi pa rin ako napapansin.
Akmang may tutulong na sana sa akin na lalaki nang dumating naman ang mga kaibigan ko. Medyo intimidated sila sa grupo namin kaya ilag talaga sila kapag kasama ko na itong mga boys.
Madalas ay dadaan na muna sa kanila lalo na kay Five at River kapag may gustong yumaya sa akin na lalaki.
Syempre, hindi sila papayag, no! Alam naman nila kung sino ang gusto ko. I don't want to waste my time, either. Hindi naman required na magkaroon na ako ng boyfriend. 18 pa lang naman ako.
BINABASA MO ANG
We Could Have Been (Could Trilogy #1)
Romance(Could Trilogy #1) Flowers, chocolates, and love letters are the things that Latisha Sevilla has been receiving since she was in primary school. With all the suitors lining up to get her attention, she only has to choose who will be the lucky one...