#WCHB7
Sharyn's POV
"You punched Owen?"
Hindi na ako nagtaka kay River dahil basta sinabi niya ay gagawin niya talaga. Lalo na kapag ang usapan ang kaibigan niya o mahalaga sa kanya ay kahit na masaktan pa siya, makulong, o siguro ay mamatay. Medyo nakakainis pero sa totoo lang ay sobrang reliable niya. Some people don't get it because he expressed himself differently—out of norms.
"Yes, he made you cry dahil sa mga nalalaman niyang walang kwenta. Hindi ko talaga maintindihan ang utak niya. Ang creepy, mamaya matrauma ka pa. Ano, okay ka na ba?" Binigyan niya ako ng fruit tea saka umupo sa tabi ko.
Nasa kapehan kami sa loob ng five-star hotel nina Aero. Hinihintay namin ang mga boys para umpisahan ang thesis namin. Nauna si River dahil galing siya sa frat meeting nila.
"Where is he? Nasa hospital ba? At some point...deserve niya pero baka kasuhan ka niya o ano lalo na kapag napuruhan," nag-aalala na sabi ko.
Ngumisi lang si River. "Ulol! Siya may kasalanan at malugod naman niyang tinanggap ang sapak ko. Isa nga lang, e, bubugbugin ko sana."
I sighed. "River, one punch is already enough."
Hindi naman na sana pero ewan ko ba—parang deserve niya rin kasi nagmukha siyang stalker at pinagmukha niya akong tanga. Para magising siya sa katotohanan na hindi nakakakilig ang ginawa niya sa akin.
I had enough of him kaya hindi ko na muna siya kakausapin kasi baka mapagsabihan ko siya ng mga masasakit na salita. Pakiramdam ko kasi hindi pa sapat ang mga sinabi ko. I could also be overreacting, at some point...but it's really something I shouldn't turn a blind eye to.
I thought of the possibility...a part of me wanted to give him a chance but I realized I wasn't ready for that. If ever, deserve niya ba? I really don't want to waste my time. Sa totoo lang gusto ko na ang unang mamahalin ko ay siya na ang huli kaso...mukhang hindi naman mangyayari.
I caught Jhules looking at someone...of course it's not me but this colored-hair girl from the highschool department. Wala naman sa akin 'yon dahil hindi ko naman siya pag-aari. He was just looking the first time I saw him–but there was this instinct of mine telling me that soon it's going to be more than that.
After all, the girl is really pretty—gorgeous. She used to be in the dance troupe, cheerleading, did pageants, and—I had to stop my thoughts because it wasn't healthy.
I don't think comparing myself to her or to others would do me good. After all, we have different views, perspectives, and types. Baka hindi lang talaga ako ang tipo ni Jhules. Wala naman akong magagawa roon.
I will just continue admiring him...and that's what I am doing now.
"Sharyn, I'll give you a ride. Uwi ka na ba?" Simpleng tanong niya habang kunwari ay hinihintay ko ang driver ko pero ang totoo ay siya ang hinihintay ko.
"Ah, yeah. Uuwi na ako."
He smiled. "Okay. Sabay ka na. Daanan lang natin si Jelai tapos ang kaibigan niya."
"Uh, sino?" Curious na tanong ko kahit may idea na ako. Sumunod ako kay Jhules na nauna ng naglalakad papunta sa parking lot.
"Hmm, ung anak ni Judge Sotto," sagot niya.
"Sinong Judge Sotto? I mean, iyong magiging Justice? Justice Severino Sotto?" Marami kasing Sotto tapos halos lahat ng pamilya nila ay judge o di kaya naman ay prosecutor.
Tumango siya. "Oo."
Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa nakarating na kami sa parking lot. Uupo na sana ako sa may backseat nang buksan ni Jhules ang passenger seat
BINABASA MO ANG
We Could Have Been (Could Trilogy #1)
Storie d'amore(Could Trilogy #1) Flowers, chocolates, and love letters are the things that Latisha Sevilla has been receiving since she was in primary school. With all the suitors lining up to get her attention, she only has to choose who will be the lucky one...