#WCHB3

522 8 2
                                    

#WCHB03

Sharyn's POV

"There's no Alonzo in the list?"

I wrinkled my nose as I flipped the pages of the paper that my staff had given me. I was already on the last page but haven't seen the name I was looking for.

"Wala po, Ma'am. Nandyan na po lahat ng pangalan ng staff natin na sumasama sa mga charity works," Hera replied to me.

"How about the volunteers?" Inangat ko ang tingin ko sa kanya. "Eto na ba lahat?"

"Yes, Ma'am. Sila po ang present volunteers natin. Hindi po parehas ang mga sumasama," sagot niya sa akin. "If you want, you can talk to Owen Mercado po."

"Owen? Who's that?"

"Siya po ang head ng mga volunteers. Matagal na rin po siya na sumasama sa mga charity events natin kaya baka kilala niya po ang hinahanap niyo."

"Oh, that's great. Where is he?" tanong ko, trying to remember who the guy was.

I heard the name a couple of times from my brother who used to spearhead our charity events. When I turned 18, he passed the responsibility on me as he was already busy with our businesses.

"I think he's in the supply room. Nagpa-pack na po kasi ang mga volunteers para sa event ng mga bata bukas." Tumuro si Hera sa may supply room kaya sumunod naman ako sa kanya para makausap ko na rin itong si Owen.

I should have done that when I got the position but I was so busy with my schoolworks and in the organization that I couldn't meet them.

Pumasok kami sa supply room. Abala na ang mga volunteers sa pag-pack. Sa ampunan gaganapin ang event kaya puro laruan, chocolates, mga biscuits, pati school supplies ang ipapamahagi namin.

"Owen is the guy wearing black shirt," turo ni Hera sa dulo tapos dalawa ang nakablack kaya dinagdag niya ang description, "The taller one with clean cut hair tapos may braid bracelet."

Paglingon ko sa kanan ay nakita ko na agad ang tinuturo niya. Nakatalikod itong si Owen mula sa amin habang kausap ang isa pang volunteer tapos may tinuturo siya sa mga box ng laruan.

"Okay...thank you. I'll call for a meeting later. Kausapin ko muna si Owen."

Umalis na siya tapos diretso na ako sa gawi ni Owen. He was still talking with the volunteer. I didn't want to interrupt so I just stood there...waiting for him to turn around.

Ilang feet pa ang layo ko sa kanya pero amoy ko na ang pabango niya. I wasn't familiar with his scent pero para siyang amoy baby, bagong ligo.

Mukhang marami siguro siyang time na pumunta ng gym, likod pa lang kasi ay gwapo na. Let's see kapag humarap.

Naghintay pa ako ng ilang minuto. Nahiya ako na abalahin siya dahil seryoso siya sa sinasabi niya. Narinig ko na pinapaalala niya sa mga volunteers na dapat ay maayos ang paglalagay nila at tama sa bilang.

He also reminded them not to hurry...and not to think about time. Tama naman siya, mas walang matatapos kung nagmamadali dahil may tendency na mas maging mali ang gagawin.

Tumango-tango ako habang nakikinig sa kanya. Kalmado lang din ang boses niya. Bagay nga sa kanya ang role niya dahil nakita ko rin na nirerespeto siya ng mga volunteers.

Hindi ko na namalayan ang minuto, kausap niya pa rin iyong volunteer.

Bakit naman kasi ang tagal? Uh, naiinip na ako kaya naglakad na ako papunta sa kanila para matapos na ang usapan.

We Could Have Been (Could Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon