#WCHB5

503 10 4
                                    

#WCHB5

Sharyn's POV

"Ganito karami ang natatanggap mo na chocolates every day?"

Owen wowed. We were waiting for the staff to bring down all the boxes of chocolates from the truck. Binibilang ko naman ang ibang supply habang hawak ko iyong checklist tapos siya ay nakatingin pa rin sa mga boxes ng chocolate na binigay ni Yeco.

"Exaggeration naman kung everyday," mahinang tumawa ako. "Maybe I can collect 10 boxes of different chocolates in a month because of my suitors. I don't want it to go to waste so I decided to just include it in our supplies. At least, marami pa akong napasaya na mga bata."

Naglakad ako papunta sa kabilang side habang sumunod naman si Owen. Binilang ko ang mga kahon ng vitamins tapos si Owen naman ang naglalagay ng check doon sa mga kahon na natapos na bilangin para hindi magulo. Marami pa kasing paparating na supply.

"Pwede ka na magtayo ng chocolate factory," sabi ni Owen na na-aamaze pa rin.

"Actually, gusto ko rin kaso baka magalit sa akin si Yeco."

"Yeco, who?"

"He has been my suitor since primary school." Medyo natawa ako ng maalala ang patpatin na mukha ni Yeco nang mga bata kami. He was really cute. Ngayon kasi ay mukha na siyang playboy.

"But then...we became friends kasi hindi ko siya sinasagot. Lagi siyang nagpapadala ng chocolates from their factory, eventually naging number 1 supplier namin sila ng chocolates," paliwanag ko.

At first, it was really a pain in the ass to have a lot of men lining up for me. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko sa kanila. As much as I want to accept all their love for me para walang masaktan ay ang hirap. Isa lang naman ang puso ko.

Nasanay na rin naman ako. And I decided to use them to the advantage of our foundation. Ang ilan sa mga supplier namin ay mga pamilya ng dating manliligaw ko—-I don't know how should I call it. Manliligaw pa rin ba kahit hindi ko pinayagan?

Isa lang naman ang gusto ko na payagan...kaso mukhang hindi mangyayari.

I was back to my senses when Owen flicked in front of me. "Sinong iniisip mo kapag kumikislap ang mga mata mo?"

"Huh?" Kumunot-noo ako. "What do you mean kumikislap ang mata?"

Owen chuckled. "Hmm...pupils dilating? I don't know how to call it. Sabi nila ay nag-di-dilate ang pupils ng mata natin kapag nakatingin tayo sa mata ng taong gusto natin. Hindi mo naman ako gusto...so I figured out you were thinking of someone you love kasi nag-iba ang mga mata mo..." Tumuro siya sa mata ko.

Oh, I was a bit amazed. It's a common knowledge and perhaps belief—hindi ko naman kasi alam kung totoo ba ang bagay na 'yon but scientifically speaking pupils are part of our body language that we have no control over. The size of a person's pupils can reflect one's state of mind...kaya baka tama nga. Hindi ko rin naman kasi nakikita ang nangyayari sa mga mata ko.

Although, it's not that—it's the fact that Owen's observant. Napansin pa niya ang bagay na 'yon? What more ang ibang bagay? Small things matter to me. Ang sarap sa pakiramdam na alam ng isang tao ang mga bagay tungkol sayo...without you telling them.

"Is it Yeco?" usisa niya. "If you don't mind me asking."

"Not at all." I replied, which really didn't make sense because I didn't like people minding my business except for my guy friends. "It's not Yeco," linaw ko. "But I am not going to tell you who, either."

He nodded. "I respect that."

"Thank you." I smiled at him. "Ikaw ba, do you have a girlfriend?"

I decided to make some time to get to know him. After all, we're going to spend most of our time together. I don't want to be aloof and want to be friends with him. Malaking tulong siya sa foundation namin and I heard that my brother would give him a position after his graduation.

We Could Have Been (Could Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon