#WCHB9

432 7 0
                                    

#WCHB9

Sharyn's POV

"Owen, don't laugh." I almost hit Owen in his shoulder when he started laughing after I told him about my conversation with Jhules. Oh, that wasn't expected. I imagined him being annoyed or at least hate me for doing it, but yeah—he was laughing right now.

Nakakatawa ba ang ginawa ko? I don't know what to feel. Kung ako siguro si Owen, I would feel offended. Sabagay, iba-iba naman ang approach ng mga tao sa isang sitwasyon.

"I'm sorry," I sincerely said.

It helped me get out of the situation but it was still wrong to use him. Ang tanga ko kasi para sabihin pa ang bagay na 'yon. Kapag binawi ko naman ay magmumukha rin akong tanga kay Jhules at baka maisip na niya talaga na gusto ko siya.

Fine, mas gugustuhin ko na maging tanga na lang sa harapan ni Owen. At least, we're friends. Mukha namang hindi niya ako ji-nudge.

"I didn't mean to say it. It came out of blue...and before I thought about it ay nasabi ko na. Alam ko na mali na gamitin ko ang pangalan mo para lang maitago ko ang feelings ko kay Jhules. I'm sorry."

I sighed. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng tao ay si Jhules pa ang gusto ko? Pwede naman na isa sa manliligaw ko. Pwede rin naman na si Owen na lang. Wala lang siyang dimple pero gwapo siya. Pareho rin silang matalino ni Jhules, mahilig mag-aral tapos—-okay, stop, Sharyn! I shouldn't be comparing them.

Mali na nga na gamitin ko si Owen tapos iisipin ko pa yan. Hays. Ang hirap naman nitong pag-ibig na ito. Gusto ko rin naman na magkaroon ng lovelife. Hindi sa nagmamadali ako pero gusto ko ring ng inspirasyon na ako rin ang inspirasyon lalo na't papasok na ako sa law school. Tingin ko kasi ay mahirap nang humanap ng lalaki kapag nasa law school na ako—honestly, ayoko ng law student kaya naghahanap na ako ngayon.

Kaso tama nga siguro si Kuya, hindi ko dapat hinahanap. Dapat chill lang ako. Mag-aabang na lang siguro ako sa kapehan o sa bar, baka sakaling may panain si kupido para sa akin.

Going back to what's in front of me, medyo natigil din si Owen habang nakatitig sa akin. Hindi ko alam ang huling sinabi niya dahil ang lalim ng inisip ko kanina kaya nag-sorry na lang ulit ako.

"De bale, sasabihin ko na lang kay—"

"Use me, Sharyn."

"Huh?"

It took me seconds to process what he just said to me...and he had to repeat that for me to understand.

"Use me all you want, Sharyn. I wouldn't mind at all." Ngumiti siya sa akin. "If that's how you can move on from Jhules, then I am willing to be your rebound."

I literally dropped my phone on the side after hearing that. Sabay pa kaming yumuko ni Owen para kunin at sa sobrang pagpapanic ko ay muntik na akong mauntog sa lamesa, buti na lang ay nilagay ni Owen ang kamay niya sa dulo ng lamesa kaya sa kamay niya tumama ang ulo ko.

"Hey, careful. I'll get it for you," sabi niya. Inabot niya ang phone ko sa akin saka bumalik sa upuan niya habang nandito kami sa cafeteria ng opisina ng foundation namin; La vie est belle which means Life is Beautiful.

Medyo nahiya ako. Aminado naman ako na may pagka-clumsy ako, at times, lalo na kapag nagugulat ako. Itong si Owen naman kasi ay kung ano-anong trip sa buhay. And, I don't find it sweet. Ayoko na nawawalan ng halaga sa sarili ang isang tao dahil lang sa gusto nila ako. I don't want it to happen to me—kaya bakit ko gugustuhin na mangyari sa iba?

"Owen, that's absurd!" I shook my head. "Why would you want to be a rebound? I know you like me but you also have to know your worth. You don't deserve me—or a girl who will treat you as a second option."

We Could Have Been (Could Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon