#WCHB10

349 4 1
                                    

#WCHB10

Sharyn's POV

I wasn't easy to impress and I wouldn't deny that. Surely, halata naman siguro ng mga tao sa paligid ko lalo na ang mga kaibigan ko. If they want to impress me, I guess they have to move mountains.

Well, not all of them though. Jhules, for example, could easily impress me by just opening the car door or simply remembering to buy me fruit tea. Oo, biased nga siguro ako pagdating kay Jhules.

"Saan ba kayo magda-date?"

Natauhan ako ng magsalita si River. Masyado na namang occupied ang utak ko kay Jhules. Dapat ko na talagang tigilan. Maybe I should not talk to him starting from now. But of course, he would feel that there's something going on and I didn't want him to know that.

"I am not sure. He just told me to dress," sagot ko kay River na siyang pumipili ng isusuot ko habang nasa loob kami ng walk-in closet ko.

He really liked dressing me. Lahat naman silang mga kaibigan ko pero mas lagi si River. Hinayaan ko na lang din dahil alam ko na namimiss lang niya si Ceana. He wasn't able to do most of the things he wanted to do for his sister. Let's just say I am doing his favor by healing his trauma.

"Dress for what? Didn't he specify it?" dagdag niya. "Paano pala kapag nag two-piece ka?"

"Duh." I rolled my eyes at River. Sakto naman na nakapili na siya.

Inabot niya sa akin ang puting wide leg pants, katerno ang plain white crop top. Kinuha niya rin ang Dior sling bag ko tapos ang kulay pink na sneakers ko.

"I think this would do. He didn't say naman na we're gonna go to a fancy restaurant. Sabi lang niya is something that I am comfortable."

"Ako ang hindi comfortable na kasama mo siya. Sigurado ka na ba dyan? Baka gusto niyang masuntok ko ulit. Tawagan mo agad kami ni Skater."

"Umaaktong Daddy ka na naman," asar ko. "He's good. Like I said, nag-sorry naman na siya. Sa lakas ng suntok mo for sure hindi na siya gagawa ng kung anuman na creepy."

"Aba, dapat lang." Ginulo ni River ang buhok ko. "Sige na, magbihis ka na. Hatid kita tapos susunduin ka naman ni Five."

"Why? Where are you going?" usisa ko.

"Gonna go firing with Hunter," sambit niya sa pangalan ng frat leader nila.

"Kelan ko ba makilala yang Hunter? Lagi mo na lang bukambibig, e?"

"Not Hunter, Sharyn."

"Ito naman. Kilala lang. Kung ano-ano na naman ang naiisip mo. Gagawin ko ba na boyfriend?"

"Baka ikaw ang gawin niyang girlfriend." Ngumisi si River.

Hay. I ignored him. Nagbihis na ako. I didn't put too much make-up since I wanted to be simple. Hinatid na ako ni River sa foundation namin kung saan kami magkikita ni Owen.

Naabutan ko siya na nakikipaglaro ng basketball sa mga bata. He was shirtless. Ah, may abs naman pala talaga tapos ang ganda talaga ng likod. Feeling ko amoy baby powder siya kahit na pawis na.

"Basta nga ma-shoot niyo ang bola ay tutuparin ko ang wish niyo." Nakangiting sabi niya sa mga bata. "Kahit na ano. I promise."

"Talaga po?" sabi ng isang bata. "Sabi niyo yan ha, kahit ano."

Owen laughed. "Yes. Kahit ano."

"Kahit boyfriend po?" sabi ng batang babae na may ribbon sa buhok, may kasamang hagikhik.

"Ay, ang bata mo para roon. Uunahan mo pa yata ako." Nagkakamot na sabi ni Owen. Natawa ako sa reaksyon niya lalo na't nagkumpulan na ang mga bata para sabihin sa kanila ang mga wish nila.

We Could Have Been (Could Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon