THUNDER'S POV
Pagod akong sumalampak sa sofa. Tahimik ang buong bahay. Wala ang mga katulong. Ano na naman kaya ang ginawa ng asawa ko? She's always making trouble. Nakakaumay ng umuwi dahil pero problem na nga sa company ang inaatupag ko, pagdating dito problema pa rin. Sinuyog ko ang buong bahay hanggang sa 6th floor pero hindi ko siya makita. May narinig akong malakas na tili mula sa rooftop kaya naman napatakbo akong agad. Nanlaki ang mata ko ng makitang ilalaglag ng asawa ko ang isang babae.
“EIZA!” I shouted. Agad ko siyang nilapitan.
“Kalagan niyo 'to!” Utos ko sa dalawang tauhan ko na nasa gilid lamang at natatakot lumapit sa asawa ko.
“Bakit kakalagan?! Kinakampihan mo ba 'yang malanding babaeng 'yan?!” Gusto niyang lapitan ang katulong pero hinaharangan ko siya.
“Eiza! What's wrong with you?! You almost killed her! Are you out of your fucking mind?!”
“Bakit?! Ano naman kung mapatay ko siya?! She's trying seduce you, Thunder! She's trying to get you from me!”
Oh, Lord, she's paranoid again!
“She's not trying to seduce me! Lahat na lang ba pagseselosan mo?! Diyos ko naman, Eiza! Stop your overthink!” Sinabunutan ko ang aking sarili. I'm so fucking stress. Kung wala lang kaming 4 months old na anak nakipag-divorce na ako sa kaniya. Habang tumatagal lalo siyang nalala.
“So, talagang pinagtatanggol mo ang babaeng 'yan, ha?! Pinagtatanggol mo talaga siya?!” Mas lalo siyang na-udyukan ang babae. Tumago ito sa likod ng dalawa kong tauhan na lalaki habang umiiyak. Pilit ko naman siyang hinaharangan.
“You know what? Let's talk kapag bumalik na ang katinuan mo. Kayong dalawa, ihatid niya 'yan sa kung saan siya nakatira!” Utos ko.
Hinawakan ko ang balikat ni Eiza upang hindi niya ito sugurin. Binigyan niya ako ng matalim na titig. Galit na galit siya sa akin na animo'y kakainin niya ako ng buhay. Tinabig niya ang dalawang kamay ko. Sinampal niya ako ng malakas.
“Ang kapal ng mukha mo para ipagtanggol ang kabit mo sa harapan ko pa mismo!” Madiin na usal niya.
“What the hell?! Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na wala akong kabit! Wala akong babae! Makinig ka naman, Eiza, hindi 'yong puro side mo lang ang paniniwalaan mo! Stop your fucking overthink! Nandito ako sa bahay para magpahinga hindi para makipag-away sa'yo for Pete's sake!” Hiningal ako matapos kong sabihin ang mga salitang iyon.
Araw-araw na lang kaming ganito. Kapag umuuwi ako puro kalokohan niya ang bumubungad. Imbis na bantayan ang anak namin mas ginugusto niya pang awayin ang mga katulong. Iilan na nga lang ang katulong namin na nag-i-stay pinaghihinalaan niya pa. I thought home is the place where you can rest pero simula ng maging ganito si Eiza naging impyerno na ito sa akin.
Hindi na siya sumagot sa sinabi ko. Basta na lamang niya akong tinalikuran at tumakbo pababa. Never in my vocabulary na mag-cheat ako sa kaniya. Pinaghihinalaan niya pa rin daw ako dahil baka matulad daw ako sa tatay kong cheater. Inis kong sinipa ang pader. Babalik na lang ako sa office at doon matutulog! Kaysa naman nandito ako wala naman akong pahinga dahil puro kalokohan at overthink ni Eiza ang nakakasama ko. She's not like this before not until si discovered that my father is a cheater. Kasalanan talaga ni mommy. Kung hindi siya nag-kuwento kay Eiza hindi ito magkaka-ganito ng husto.
Naligo lang ako sabay bumalik agad sa office ko. This is fucking insane! I can't sleep properly. Maging ang pagkain ko nakakalimutan ko na sa sobrang stress ko sa asawa ko. I want to spend my time with her but how? Paano kung gano'n siya palagi sa akin? Paano ko ibibigay ang gusto niyang paglalambing kung palagi siyang nagagalit tuwing darating ako? I don't know what to do. Limang taon na kaming kasal at sa limang taon na 'yon mas lumalala pa ang pagiging paranoid niya. Hindi ko na nga kilala kung siya pa ba 'yong Eiza na mahinhin at hindi makabasag pinggan noon. Para siyang sinasapian ng sampung demonyo kapag ako ang kaharap niya. Kulang na lang patayin niya ako na sarili niyang asawa just to satisfied her overthink.
BINABASA MO ANG
SLOWLY SERIES #1: Slow Earn [✓]
RomanceFor her, money is important than anything. She's willing to give up even her dignity just to earn money. Pinangarap niyang maging mayaman kaya kahit ano gagawin niya makamit lang ang kaniyang pangarap. Kahit ang maging kabit ng isang bilyonaryo. Sh...