CHAPTER 22

975 27 13
                                    

WYENA'S POV

Na sa elevator kaming dalawa ngayon ni Thunder. Niyaya ko siyang lumabas para kumuha ng mga idea para sa ipo-propose namin na second project. Binigyan lang kami ng isang linggo para matapos namin. Sa isang linggo, ano namang magagawa namin? Ang hirap kaya bumuo ng research, mag-gather ng data, gumawa ng sample, maghanap ng p'wedeng i-interview, mag-survey, lahat 'yan buwan ang kailangang gugulin.

“What are we doing here? Its early in the morning tapos niyaya mo agad ako na gumala sa labas?” Iritableng tanong niya. Hinila ko lang kasi talaga siya sa sofa para sumama sa akin. Wala talaga siyang plano na samahan ako.

Hinarap ko siya. “Nandito tayo para makahanap ng mga ideas for our new projects. Kailangan mong magtingin-tingin sa paligid para alam mo kung anong next ideas ang papasok sa utak mo!”

Um-erap siya. Tignan mo 'tong lalaking 'to. Palagi na lang masungit. Mabait lang yata siya kapag ano. Basta ano!

Sinabi ko sa kaniya na maglalakad lang kaming dalawa maghapon. Sabi oo nga isama namin si Timothy para naman may kasama kaming iba pero ang sabi niya sa akin baka wala raw kaming magawa. Baka maglandian na lang daw kaming dalawa maghapon. Selos ba siya? Assuming ko naman masyado! Mahal na mahal kaya ni Thunder ang asawa niya tapos ako kailangan lang ng katawan niya, aray! Masakit ang katotohanan na 'yon pero tanggap ko naman. He has nothing to do with my feelings anymore. Alam ko rin na isang hamak na secretary at binayarang babae lang ang tingin niya sa akin. Naging mabait lang naman siya simula nang malaman niya na may anak ko.

That time, talagang naging masaya ako kasi naiintindihan niya ako. I am expecting na huhusgahan niya ako at sasabihin sa akin na may anak akong babae tapos nagawa ko pang magpabayad sa ibang lalaki. Wala na ba akong maisip na paraan mabuhay lang ang anak ko? May naiisip naman talaga ako nang mga oras na 'yon kaso paano ko ipapalit ang puso ko sa puso ng anak ko? Bata siya samantalang ako naman matanda.

Someone poked my forehead kaya tila nagising ako sa realidad. Tumingin ako sa likod pero agad ding napaharap ng makitang na sa unahan ko na siya naglalakad. Tumakbo ako palapit sa kaniya.

“Masakit 'yon, ha!” Reklamo ko.

“Tulala ka kasi masyado!”

“Puwede mo naman akong kalabitin, eh!”

“Hindi uso sa akin 'yon lalo na't na sa public tayo.” Na-una na siyang muli.

Oo nga pala. Bakit ko nga ba nakalimutan na loyal husband nga pala siya kapag na sa public tapos secretly lumalandi sa akin kapag kaming dalawa lang.

Napangiwi ako sabay "tss" bago sumunod sa kaniya. Lakad lang ang ginawa namin. May time na tinatanong ko siya kung may nag-pop up na ba na idea sa kaniya pero umiiling lang siya. Wala kaming balak tumigil hangga't wala kaming naiisip na idea, that's our goal for todays video! Nang mapagod na siya maglakad, naki-usap siya sa akin na sumakay naman daw kami. Niyaya ko siyang mag-jeep kaming dalawa para makatipid kami pero ayaw niya. Hindi niya raw gustong sumakay sa jeep. Ayaw daw niya sa amoy nito. Syempre, tatanggalin ko ang arte niya. Ako ang kasama niya at hindi ibang tao!

“Are we really going to ride on jeep? O don't like the smell!” Ulit na naman na sabi niya. Na sa waiting shed kaming ngayon. Naghihintay kami ng hihintong jeep.

Tinignan ko siya ng masama. “Tumahimik ka na nga lang diyan! Sa ayaw mo at sa gusto sa jeep tayo sasakay! Bawal ang pa-reach era mo ngayon!”

SLOWLY SERIES #1: Slow Earn [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon