WYENA'S POV
Parang binibiyak ang ulo ko ng bigla akong napabangon. Tinignan ko ang paligid ko kung nasaan ako. Bigla akong kinabahan ng hindi ko alam kung anong lugar ito. Madilim din dahil nakatabing pa ang kurtina sa bintana. Nasaan ba ako? Kaninong kuwarto 'tong pinasukan ko at napuntahan ko? Pinilit kong alalahanin ang nangyari sa akin kagabi. Napatakip na lamang ako ng aking bibig ng maalala ko ito.H-Hindi k-kaya....
HINDI! HINDI P'WEDE! Mabilis akong tumayo sa higaan. Muli akong natumba dahil sa pagkahilo at sakit ng ulo ko. Kailangan ko ng umalis sa lugar na 'to! Hindi ako p'wedeng magtagal dito! Panigurado, bababuyin na naman ako ng lalaking 'yon kapag nakita niya ako. Ayaw ko ng maulit ang nangyari sa akin dati! Ayaw ko na! Naiiyak ako habang pinipilit ang pagtayo ko. Sa madilim na paligid, pilit kong kinakapa kung nasaan na ang suot kong sandals. Nilukob ako ng takot. I can't think properly. Gusto ko lang makalabas na ako sa lugar na 'to. Malakas ang pagkakabagsak ko sa sahig dahil sa out of balance. Mas lalo akong nataranta ng makarinig ako ng yabag na papalapit sa pinto.
Anong gagawin ko?!
Napaiyak na lang ako sa sobrang takot. Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang hinihintay ang pagbukas ng pinto. Ano pa nga bang dapat ikatakot ko kung binaboy na ako ng lalaking 'yon? Sabi ko na nga ba! Hindi dapat ako nagtiwala sa pagmumukha niya! Kung alam ko lang, kung alam ko lang sana hindi ko ininom ang alak na in-offer niya sa akin! Sana lang alam ko!
“What the heck?! What are you doing?!”
Ang boses na 'yon...
I looked up automatically. I cried in relieved when I saw who the man standing in front of me. Pinilit kong tumayo. Inalalayan naman niya ako gamit ang isang kamay niya. Walang pakundangan ko siyang niyakap ng tuluyan akong makatayo. I am crying. I don't know why maybe because I am happy dahil siya ang na sa harap ko at hindi ang taong kinatatakutan ko.
“N-Nasasakal a-a-ako, A-Alex!” Utal na sabi niya. Mabilis akong kumawala sa kaniya. “Ganiyan mo na ba ako ka-miss at niyakap mo agad ako?” Taas kilay na tanong niya.
Mahina ko siyang hinampas sa braso. “Miss agad?! Sino bang makaka-miss sa antipatikong gaya mo?!”
“Is that how you thank you your savior?”
“T-Thank you,” nahihiyang ani ko sa kaniya. Malakas kong kinagat ang aking labi habang nakatungo. Feeling guilty ako matapos ko siyang iwasan.
May konsensya pa naman ang magandang tulad ko. Napaigtad ako ng biglang tumama ang mainit na hininga niya sa aking leeg.
“That's not the thank you I am expecting,” he whispered in husky voice. “Before that, maligo ka muna. Amoy laway ka ng lalaking 'yon.” Taboy niya sa akin.
Inamoy ko ang aking sarili. Hindi naman, ah! Sakto lang naman ang amoy ko. Mabango pa naman ako kahit konti. Ngumiwi na lang ako at naghanap ng masusuot ss drawer na nakita. Puro naman panlalaki ang damit dito paano ko 'to isusuot? Bahala na! Kumuha ako ng isang malaking black na t-shirt. Kumuha na rin ako ng towel para may mapunas ako sa katawan ko. Kung magagalit siya dahil sa paggamit ko ng damit niya, bakit hindi niya muna ako binilhan?
Nagtungo na ako sa banyo at naligo. Mabuti na lang talaga at si Thunder ang nakakuha sa akin kagabi. Kung hindi, malamang binaboy na ako ng hayop na lalaking 'yon. Malaki na ang trauma ko sa gano'n. Isang beses ko ng naranasan ang bagay na 'yon kaya ayaw ko ng maulit. Si Primo ang bunga ng kawalang-hiyaan nila. Hindi mawawala sa isip ko ang takot. Natapos na lang ako sa paliligo ng wala sa sarili. Para akong lutang na ewan. Konti na lang yata pakpak para sa utak kong nalipad. Nasapo ko ang aking noo ng mapagtantong wala rin akong panty sa lugar na 'to. Tangina namang kamalasan talaga 'to! Napa-iling na lang ako ng aking ulo. Binalot ko ang buhok ko ng tuwalya.
BINABASA MO ANG
SLOWLY SERIES #1: Slow Earn [✓]
RomansaFor her, money is important than anything. She's willing to give up even her dignity just to earn money. Pinangarap niyang maging mayaman kaya kahit ano gagawin niya makamit lang ang kaniyang pangarap. Kahit ang maging kabit ng isang bilyonaryo. Sh...