WYENA'S POV
Nahalungkat ko na ang lahat ng gamit ko pero wala akong mahanap na desenteng damit. Puro maiikli ang damit ko rito. Nakapamaywang akong nakatingin sa sabog kong gamit. Ano ba ang p'wede kong isuot dito na mukha pa ring desente? Nakakainis! Ang dami naman kasing alam ni Thunder! P'wede namang magsuot na lang ng kahit ano. H'wag na pala, baka mamaya sabihin ng asawa niya inaakit ko si Thunder once na pumunta siya sa office nito.
Kinuha ko ang pa-croptop na smocked. Pumili ako ng pinaka-mahabang skirt ko na black. Pinakamahaba na ba 'to? Kapag tumuwad ako kita pa rin ang kuyukot ko. Napasimangot na lang ako. Kumuha ako ng short para naman kahit bumukaka ako walang makikita sa akin. Nasanay ako ng naka-panty lang kapag naka-maikling palda. Tinignan ko ang relong nakasabit sa wall namin ni Primo. Nataranta akong bigla ng makitang male-late na ako. Ang sabi sa akin dapat 8 na sa company na ako tapos 7:45 na namimili pa rin ako ng isusuot ko! Kanina pa yata akong 5 am dito, ah!
Nagmadali na akong maligo at ayusin ang sarili ko. Kung ano-ano na lang ang nilagay ko sa loob ng bag ko s sobrang pagmamadali. Nagsuot pa ako ng stockings ko para naman hindi masyadong mainggit sa akin ang mga babaeng naglalaway kay Thunder. Naglalaway pa lang sila, nilawayan ko na.
-----
Hingal na hingal ako ng makarating ako sa tapat ng pinto ng company. Malayo pa lang binaba ko na tapos tinakbo ko. Feeling ko kasi mas matatagalan ako kapag nagtiyaga pa akong makarating hanggang dito ang jeep. Partida, naka-heels pa ako ng 5 inch. Hirap talaga kapag pandak ka. Sa takong ka na lang aasa.“Ma'am, bawal po kayo pumasok dito,” harang sa akin ng guard.
Tinignan ko siya ng kunot ang noo. Hingal na hingal na nga ako gaganituhin pa ako. “Kuya, late na ako! P'wede ba? H'wag mo na akong harangan!” Masungit na ani ko sa kaniya. Humakbang ako papasok pero hinarang niya ang kaniyang kamay.
“Kuya naman! Hindi mo ba talaga ako papapasukin?! Pagagalitan na ako ni Thun—Sid Thunder!” Pagmamaktol ko.
“Wala ka pong company I'd, ma'am. Sumusunod lang po ako sa utos. Kahit sexy ka, ma'am hindi talaga kita papapasukin.”
“Aish naman, oh!”
“Pasensya na po talaga.”
“Let her in. Secretary siya ni Thunder.” Finally, dumating na rin ang superhero ko!
“Pero, Sir, wala po siyang company—”
“Bago pa lang siya.”
Walang nagawa ang guard kung 'di papasukin ako. Malakas talaga ako pagdating kay Timothy. Tinapik ko ang kaniyang balikat sabay nag-thank you. Ma-uuna na sana akong umakyat sa pagmamadali pero sabay na raw kami para hindi raw ako mapagalitan ng husto ni Thunder. Paanong hindi ako pagagalitan, eh, sabi nga niya kahapon kapag na-late ako may parusa! Buti sana kung parusang masarap, mamaya pagpapahirap. Kabisado ko ang kalokohan ng lalaking 'yon. Nagawa na kaya niya akong sakalin, ano pa kayang magagawa niya sa aking masama.
Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko sa hingal. Mga 15 minutes din akong tumatakbo. Ang fitted na nga ng suot kong palda, ang taas pa ng takong ko. Nakarating kami sa floor kung saan ang office ni Sir Thunder. Pumasok kaming dalawa roon. Habang papasok, naghahanap ako ng panyo. Hinalungkat ko ang aking bag pero wala akong makita. Talaga nga namang minamalas ako sa first day ng trabaho ko.
“Akala ko wala ka ng balak pumasok.”
Napatingin ako sa kaniya sabay lunok. “S-Sorry p-po,” kabadong sagot ko.
Timothy leaned. “Anong hinahanap mo?” Mahinang tanong niya.
“Wala yata akong nadalang panyo, eh!” Sagot ko habang busy pa rin ako sa paghahalungkat. Hindi pa naman ako sanay na wala akong panyong hawak. Mabilis akong pagpawisan, eh.
BINABASA MO ANG
SLOWLY SERIES #1: Slow Earn [✓]
RomanceFor her, money is important than anything. She's willing to give up even her dignity just to earn money. Pinangarap niyang maging mayaman kaya kahit ano gagawin niya makamit lang ang kaniyang pangarap. Kahit ang maging kabit ng isang bilyonaryo. Sh...