CHAPTER 10

1K 26 0
                                    

THUNDER'S POV


Its been one month since hindi na akong umuwi sa bahay. Though, I miss my son pinili kong hindi na lang umuwi. Iniisip ko kung paano ko susuyuin si Eiza para hayaan akong makausap kahit ang anak ko na lang. Hangga't maaga pa gusto ko ng tapusin ang ugnayan ko sa babaeng 'yon. How dare she to flirt with my friends? Tss, pumayag na nga siyang bayaran ko siya ng dalawang milyon kapalit ng puri niya, magpapabayad pa siya sa mga kaibigan ko? Hindi nga naman talaga marunong makontento. I will never let my friend na mahulog sa kaniya. Pera lang ang habol niya sa lalaki, tss.

“Hindi ka ba uuwi?” Tanong sa akin ni Timothy. Kapapasok lang nito mula sa pinto.

Umiling ako. “I am not sure. Matagal na rin akong hindi nagpapakita kay Eiza.” Kapag nakita na naman niya ako kung ano-ano na namang tantrum ang ibato niya sa akin.

“If were you uuwi ako ngayon. Don't you remember? Today is your son's five months.”

Natampal kong bigla ang aking noo. Oo nga pala, paanong nakalimutan ko na ngayon ang ika-limang buwan ng anak ko? He's waiting for me. I don't care if ayaw akong makita ni Eiza basta gagampanan ko ang pagiging tatay ko. Mabilis akong tumayo. Sinarado ko ang laptop ko sabay ayos ng mga papel na naka-kalat sa desk ko.

“Aalis ka na agad?” He frowned.

“Oo, matagal na akong hindi umuuwi, gusto ko ng mahabang time sa anak ko” sagot ko sa kaniya habang inaayos ang aking gamit.

“Nice, ako na muna ang bahala rito. Kapag may time baka pumunta rin ako.” Tinanguan ko lang siya.

Umalis na agad ako matapos kong ayusin ang mga gamit ko. Dumaan ako sa isang cake shop tapos bumili ng cake. Dumaan din ako sa toys store at bumili ng ire-regalo kong laruan para sa anak ko. I'm excited to see my son again. After one month, mayayakap ko na rin siya. Sana lang maayos na ang takbo ng utak ni Eiza. There's a part of me na guilty kapag na-aalala ko na tinuloy ko ang sinasabi niyang may kabit ako. Dahil sa galit ko tinototoo ko ang pagkakaroon ng kabit. I love Eiza, I love her at hindi nagbago iyon. Pero minsan, talagang hindi ko na kilala ang babaeng nakakausap ko. Ibang Eiza ang na sa harapan ko tuwing nagagalit siya sa akin.

Wala na, ano pang magagawa ko kung talagang nagawa ko na ang bagay na ikinagagalit niya? Contract mistress lang naman ang babaeng 'yon. Sa kaniya ko lang binubuhos ang pangangailangan ko bilang isang lalaki na hindi mapuno ng asawa ko. Kapag naging maayos na kaming dalawa ni Eiza, ako na mismo ang tatapos sa contract. Bahala na siya sa balance niya sa akin. Ang gusto ko lang ngayon, maging buo na ulit ang pamilya kong sinira ng maling akala. Gusto kong lumaki ang anak ko ng may maayos na relasyon ang mga magulang niya. Ayaw kong magkaroon siya ng thoughts na i-normalize ang palagiang pag-aaway.

“Anong ginagawa mo rito?” Bungad na tanong sa akin ni Eiza. Kapapasok ko pa lang ng pinto ayan na agad ang tanong niya.

“I'm here for my son, Eiza. Today is his five months kaya malamang uuwi ako!”

“Hindi ka niya kailangan, umalis ka na!” Turo niya sa akin palabas.

“Wait? Are you serious? Pati ba naman pagbisita ko sa anak ko hindi mo 'ko pagbibigyan?! Lumala na ba talaga ang pagiging hibang mo?!” Pikon na tanong ko sa kaniya. My jaw clenched.

She remained silent. She looked at me full of anger. Hindi ko alam saan nagmumula ang galit niya. I didn't do anything that makes her pissed of. Hinayaan ko na lamang siya. Pumunta ako sa kusina sabay lapag ng dala kong cake. Sinundan naman niya ako. Malalakas ang yabag ng paa niya. Ramdam ko ang hindi niya pagtanggap sa akin.

“Get out of this house, Thunder! Umalis ka! Hindi namin kailangan ng anak mo 'yang mga binibili mo!” She exclaimed.

“Nag-aaway na naman kayo? Hindi ba p'wedeng kapag dumating naman si Thunder hindi mo siya aawayin, Eiza?” Na-iiling na sabi sa kayong ni nanang Sel. Dala nito ang anak naming nakatingin sa akin at nakangiti.

SLOWLY SERIES #1: Slow Earn [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon