CHAPTER 8

1.2K 33 3
                                    

WYENA'S POV


Maluha-luha akong nakatingin sa anak ko. Nakakatuwang nakakangiti na siya sa harapan ko ngayon. After ko makuha ang bayad sa akin ni Sir Thunder talagang nagmadali ako papunta sa hospital. Pinermahan ko agad ang kontrato. Sumailalim naman kaagad ang anak ko sa operation. Noong una kabado ako na baka hindi ito maging successful. Talagang abot langit ang kabang nararamdaman ko that time.

Pitong araw na rin ang nakalipas. Madaldal na ulit ang anak ko ngayon. Sa loob ng pitong araw na 'yon nag-file ako ng leave sa night club para bantayan ang anak ko. Spending my time taking care of him.

“Mommy, bakit ka po umiiyak?” Tanong niya. Kinapa ko ang aking pisngi.

“Ah, wala baby. Masaya lang si mommy kasi magaling ka na.” Ngumiti ako sa kaniya. Hinalikan ko ang kaniyang noo.

“May masaya po bang umiiyak?” Curiosity seen on his face.

“Basta, masaya lang ang mommy. H'wag mo na ulit tatakutin ang mommy ng gano'n, ha?” Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya.

“Tumango siya. “Opo, mommy! Hindi na po! Magiging good boy na po ako!”

“Aba, magaling na pala ang inaanak ko!” Sabay kaming napabaling ng anak ko sa nagsalita.

Si Marj, may mga dala siyang prutas. Malapad ang ngiti niya sa aming dalawa. Sinarado niya ang pinto niya tapos nilapag ang mga dala niya. Lumapit siya sa anak ko at hinalikan ito sa pisngi.

“Mukhang worth it naman pala ang wasak pempem ng mommy mo! Mukhang malakas ka na ngayon!” Sabi niya rito. Pinanlakihan ko siya ng mata sabay kinurot ang singit niya.

“Pempem? Ano po 'yon tita-ninang?” Inosenteng tanong ng anak ko.

“H'wag mong intindihin 'yang tita-ninang mo! Wala lang masabing matino 'yan.” Hinampas ko ang tumatawang si Marj.

“Malalaman mo rin kapag malaki ka na at baka kumain ka rin no'n kapag malaki ka na. Hindi ka lang kakain, hahanap-hanapin mo pa.” Tumawa siya ng malakas.

“Masarap po ba 'yon, tita-ninang? Pagkain po ba ang pempem? Ano pong lasa no'n?”

Malakas kong tinampal ang aking noo. Lalo namang lumakas ang tawa ng kaibigan ko. Sayang-saya siya sa mga tinuturo niya sa anak ko samantalang ako gusto ko na siyang sakalin.

“Oo, masarap 'yon. Depende nga lang sa luto kaya pumili ka ng fresh. About sa lasa, hindi alam ng tita-ninang, eh, mga boys lang kasi ang kumakain ng gano'n.” Tumingin siya sa akin. Kinindatan niya ako.

“Anak, h'wag kang makikinig sa tita ninang mo parang awa mo na. Hindi ka p'wedeng kumain non. That's now for kids like you, okay?” Sinamaan ko ng tingin ang kaibigan ko.

Tinadtad ko ng kurot ang tagiliran niya. Wala na talagang masabing matino ang gagang 'to. Lahat na lang mg kalokohan na sa kaniya na. Mamaya hanapan nga ako ng anak ko ng pempem, anong ibibigay ko? Kapag may bagay pa naman na gustong makuha si Primo talagang inuulit-ulit niya sa akin. Talagang kapag hinanap ng anak ko sa akin ang bagay na 'yon masasakal ko siya. Nag-volunteer lang yata 'tong maging ninang para lang magturo ng kalokohan sa anak ko.

Nag-kuwentohan pa silang dalawa ng anak ko pero binabantayan ko ang bibig ni Marj. Bawat bastos na salitang nalabas sa bibig niya, sinasampal ko siya. Ayaw kong matuto ng mga gano'ng salita ang anak ko. Masyado pa siyang bata para mamulat sa mga salitang hindi naman dapat binibigkas ng na sa kagaya niyang edad. Kaya nga nalulungkot ako sa tuwing dadaan ako sa street papunta sa bahay namin naririnig ko ang mga batang basta-bastang nasasabi ang mga salita at mura. Halatang hindi sila nagabayan ng maayos ng mga magulang nila. Ginagawa ko talaga ang best ko h'wag lang matulad sa kanila ang baby ko.

SLOWLY SERIES #1: Slow Earn [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon