THUNDER'S POV
How dare that woman! Mga kaibigan ko p'wede siyang hawak-hawakan tapos ako hindi?! She keep avoiding me dahil lang sinabi ko na mababang babae siya? Totoo naman, ah! Even falling in love with her is not in my vocabulary. Ayaw kong magkagusto sa isang mababang babae. Binayaran ko siya para pagsilbihan ako sa kama pero ang lakas ng loob niyang tanggihan ako. As if kawalan naman siya! Hindi ko siya kailangan! I can satisfy myself!
"Ang init naman ng ulo nito!"
"Ilang linggo ng mainit ang ulo niyan. Tinatanggihan ka na ba palagi ni Eiza, bro?"
"Kawawa ka naman kung gano'n!"
"Ako nga tinatanggihan ni Alex." Sumimangot ito.
"H'wag niyo ngang mabanggit-banggit ang pangalan ng babaeng 'yan!" Inis na sabi ko sa kanila.
"Bakit? Ang init ng dugo mo sa babaeng 'yon? Ano bang kasalanan niya sa'yo?" Curious na tanong ni Matthew.
"Sino ba kasing Alex 'yan?" Tanong naman ni Timothy.
"Naiinis lang ako sa kaniya. I hate low class girl!" Nagtangis ang bagang ko ng rumihistro ang kaniyang mukha sa isipan ko.
"Kahit naman low class si Alex nirerespeto siya sa bar."
"Oo nga! Baka mamaya niya kailangan mo rin siya!"
"No! Never!" Mabilis na tanggi ko. "Bakit ko naman kakailanganin ang kagaya niyang babae? Kahit sino na lang sa kaniya p'wede!"
Napabuga na lamang si Timothy. "Tama na 'yan. Ang intindihin mo itong company na talagang palugi na."
Malakas kong nahampas ang mesa. Naiinis na nga ako sa babaeng 'yong dumagdag pa 'tong kompanya na bulok na 'to! Gusto kong manisi.
"Wala na nga akong maayos na tulog ganito pa ang nangyayari sa company! This is fucking insane!"
"Idaan mo kasi sa pagkahinahon, h'wag masyadong mainit ang ulo, bro," pagpapakalma sa akin ni Ron.
"How?! Magulo na nga ang relasyon namin ni Eiza hindi ko maintindihan paano ko aayusin ang kompanyang 'to! I'm so fucking stress! Sana gano'n na lang kadali ang lahat!"
Napakamot na lamang silang tatlo ng ulo. Pumasok ang secretary ko. May hawak-hawak itong papel. Kinakabahan ang mukha niyang nakatingin sa akin. Nagsalubong naman ang kilay ko dahil sa inaasta niya. Is everyone trying my patient? Malapit na akong sumabog sa inis.
"S-Sir... g-gusto ko lang po m-mag-resign," aniya. Lalong nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.
"Why?" Seryosong tanong ko sa kaniya.
"M-May i-iba na po kasing c-company na k-kumuha sa akin, eh."
Pumikit ako ng mariin. This is what I hate. Isang malakas na buga ang pinakawalan ko bago abutin ang resignation letter na inaabot niya sa akin. Binuksan ko ito at in-approve-an.
"Makakalabas ka na," taboy ko sa kaniya. Tumalima naman siya sa sabi ko. Inis akong napahilot ng akin sintido.
"Wala ka na namang secretary," pag-uulit ni Matthew.
"Tsss!"
"Gusto mo ba ulit mag-night club? Para mawala 'yang init ng ulo mo."
I glared at him. Mas lalo lang akong naiinis sa lugar na 'yon. Knowing that the girl I hate most is inside that place. Ilang linggo na akong tigang. Although, I did masturbate pero hindi sapat. May parte sa katawan ko na siya ang hinahanap. Malamang dahil nakatakim sa lahat ng parts of body ko na may utang siya. Pinilig ko ang ulo ko. Kaysa intindihin ko ang ganiyan bagay, iisip na lang ako paano ako magiging chill. Ng hindi ko kinakailangan ang bwiset na babaeng 'yon!
BINABASA MO ANG
SLOWLY SERIES #1: Slow Earn [✓]
RomanceFor her, money is important than anything. She's willing to give up even her dignity just to earn money. Pinangarap niyang maging mayaman kaya kahit ano gagawin niya makamit lang ang kaniyang pangarap. Kahit ang maging kabit ng isang bilyonaryo. Sh...