CHAPTER 18

1.1K 28 6
                                    

WYENA'S POV

“HINDI NIYO BA TALAGA MAGAWA NG MAAYOS ANG TRABAHO NIYO?! DO YOU THINK THIS COMPANY IS A JOKE?!”

“S-Sorry po, S-Sir.”

“CLEAN THIS FUCKING MESS! AYAW KONG MAKITA ANG MGA 'YAN! AYUSIN NIYO ANG TRABAHO NIYO OR I WILL FIRE Y'ALL!”

Bakit kaya ang init ng ulo ng lalaking 'to?

Simula nang dumating siya kaninang umaga sobrang init na ng ulo niya. Hindi ba dapat masaya siya after nila magkita ng asawa at anak niya? Panigurado nag-anohan sila. Sana all tapos ako binitin. Ayt! Ano ba 'tong iniisip ko?! Pati ba naman asawa ng lalaking 'yon pag-iisipan ko ng masama? Self naman, baka nakakalimutan mo na isa ka lang contract na kabit at secretary na hindi babayaran. Nangangapa na nga ako sa pera dahil malapit na ang deadline ng family day. Sa February 28 na ang deadline no'n. Saan ako huhugot ng pera para kuhain ang 1,500? Nakawan ko na lang kaya si Thunder.

Tumama sa akin ang masamang tingin niya. Tinignan ko lamang siya ng kalmado habang sinusuri ng maigi kung ano ba talaga ang na sa isip niya ngayon. Bigla akong napatayo ng makitang may sugat siya sa leeg.

“M-May sugat ka!” Alarmang sabi ko. Lumapit ako sa kaniya. Hahawakan ko sana ito pero tinabig niya ang kamay ko.

“What are you doing?” Malamig na tanong niya.

“Hayss, malamang pupunasan ko 'yong dugo. N-Nalalagyan kasi ang polo mo,” I said. Hindi ko na hinintay ang pahintulot niya. Kinuha ko ang itim na panyo ko tapos pinunas sa dugo ng sugat niya.

Hindi naman marami ang sugo pero naba-bothered pa rin ako dahil nalagyan ang puting-puting polo niya. May halong awa akong napatingin sa mahigit 2 inch na sugat niya. Hindi siya malalim. 

Ano kayang nangyari sa kaniya?

Bakit may sugat siya? Asawa niya kaya ang may gawa ng bagay na 'to?

“Matunaw ako, Alex,” sita niya sa akin.

“Upo!” I commanded.

He raised his eyebrows. “What?”

“Basta umupo ka na lang!” Tinulak ko siya kaya napa-upo siyang bigla.

Pumunta ako sa drawer at humanap ng emergency kit. Ang alam ko meron no'n dito dahil inayos ko ang drawer. No'ng nakaraan kasi magkakahalo ang mga papers na importante sa mga bagay na pang-echos lang naman. Nang makita ko ito, muli akong lumapit sa kaniya. Kumuha ako ng bulak tapos binuhusan ito ng alcohol. Kita ko ang paglunok niya.

“Bakit kay may sugat?” Tanong ko.

“It's none of your—FUCK! CAN YOU PLEASE BE GENTLE?!” Hiyaw niya ng bigla kong idampi ang basang-basa sa alcohol na bulak.

Napangiwi na lang ako. “Kalalaki mong tao na-aano ka sa alcohol, hmp!” Pang-aasar ko sa kaniya.

“Common sense naman, Alex! Sariwa ang sugat! Sariwa hindi tuyo!” Asik niya.

“Tsss, ganito na lang para hindi ka masaktan.” Dinampi kong muli ang bulak sabay halik sa kaniyang labi.

Tsansing ka, Alex!

Nagulat siya sa ginawa niya. Maging ako naman nagulat sa kalokohang naisip ko. Para akong nasarapan kaya ginawa kong excuse ang pagdampi ko ng bulak sa kaniyang leeg. Kada isang dampi, isang halik ang katumbas hanggang sa wala ng dugo. Lumayo ako sa kaniya at ngumisi.

“Effective ba?” I smirked then lick my lower lips.

Um-erap siya. “Sumi-simple ka lang para mahalikan mo 'ko.”

SLOWLY SERIES #1: Slow Earn [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon