VI
*Erda
Simula ng bumalik ako sa bayan ng erda ay dito na ulit nila ako pinatira.
Napabuntong hininga ako.
Mabuti pa roon sa dati kong tinitirhan. Tahimik lamang akong nagbabasa ng mga libro sa veranda habang nakatanaw sa malawak na kagubatan.
Dito. Maingay. Madami kasi ang mamamayan.
Napatingin ako sa mga nagtatawanang grupo ng mga ginang. Sa mga batang malayang naglalaro at naghahabulan.
Nagdiriwang ang bayan ng era ngayon dahil sa akin.
Dahil sa pagbabalik ko.
Mababakas mo sa mga mukha nila ang kasiyahan at pag-asa.
Hindi ko hahayaan na mabigo sila sa akin.
Gagawin ko ang lahat mailigtas lang sila.
"Mahal ka talaga ng mga tao dito."Napalingon ako sa kaliwang bahagi ko.si Deran.
"Umaasa sila sa akin.Hindi ko sila dapat biguin.Ngunit sana huwag din nilang kalimutan ang may kapal.Instrumento lamang ako."
Nandito kami sa balkonahe ng bulwagan.
"Tama."
"Sa tingin mo?kailan susugod ang mga shaitan?" Dugtong niya pa.
"Hindi ko alam ngunit..Paghahandaan ko iyan."sagot ko habang nakatingin pa rin sa mamamayan.
"Gusto ko rin ang tumulong.Ganti ko iyon sa pagliligtas mo sa akin."
"kung hindi dahil sayo baka--"
Ngumisi ako. " Huwag kang magpasalamat sa akin..Sa may kapal,dahil sa kanya kaya ka buhay pa rin."
"Tama."Bakas sa kanyang boses na nakangiti ito.
"Simula ngayon.Tagapagbantay mo na ako. "
Napalingon ako sa kanya. "Hindi mo na kailangan gawin iyon,deran."
Umiling siya."Buo na ang aking desisyon,lady.Huwag kang mag aalala,gagawin ko ang lahat upang lumakas ako para naman hindi ako maging pabigat sa inyo."Seryosong sambit niya.
"Kung ganoon,Hindi na kita pipigilan sa gusto mo.Pinapayagan na kita.Sa gayong habang nandito ka.May mapagkakatiwalaan akong iwanan sa aking kapatid na si Armes."
"salamat,lady.a-alam kong hindi pa ganoon kalaki ang tiwala mo sa akin ngunit ipapakita ko sa iyo na mapagkakatiwalaan ako."
Tumango ako.
"Lady Erda." Parehas kaming napalingon ni deran.
Isang bata,nasa mga pitong taon na din ito.Nasa likuran niya ang kanyang ina.
May dala itong kwintas na gawa sa mga pinaghalo-halong piraso ng sirang kwintas.
"para po sa inyo,lady erda.Ako po ang may gawa niyan!"nakangiti niyang sambit.
"Hinahangaan ka niya,lady erda."sabi ng kanyang ina.
Ngumiti ako.
"Para sa akin?"umupo ako ng mag pantay kami ng bata.
"Kapag lumaki na po ako.Magiging katulad niyo po ako.Magiging kasing ganda niyo rin po ako."Magiliw na sambit niya.
Ngumiti ulit ako."Sigurado akong mahihigitan mo pa ako."ginulo ko ang buhok niya.
YOU ARE READING
E R D A ( CURRENTLY EDITING )
FantasyWag muna basahin,baka maguluhan pa kayo. (•﹏•) Saglit lang 'to. ♥