II

34 1 0
                                    

II



Nagising akong may kumakatok mula sa pintuan ng bahay ko.

"Erda?Ikaw ba'y nariyan sa loob?Si Armes po ito."

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at tumungo sa harap ng pintuan.

Ang aga talagang bumisita ng kapatid ko.

"Erda!" agad niya akong niyakap.

Hindi din nagtagal, siya na ang kumalas sa pagyakap sa akin.

"Parang hindi tayo nagkita noong isang linggo." sambit ko habang nakataas ang kilay.

Isang ngiti lang ang tinugon niya.

Sanay na din naman siya na ganito lagi ang bati ko kapag pumupunta siya rito.

Pumasok siya sa loob at umupo sa kahoy na upuan na nasa sala.

Isinara ko na ang pintuan at humarap sa kaniya.

"Wag kang mag-alala,Erda. Walang nakasunod sa akin.Alam ko namang ayaw mong malaman ng opisyal at ni Broudor ( guro ) kung nasaan ka naroroon."

Tinignan ko lang siya.

Siya si Armes.Labing pitong taong gulang na siya.Itinuring niya akong kapamilya simula ng niligtas ko siya sa kaguluhan ilang taon na ang nakakalipas.

Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa harapan niya.

"Alam kong ikaw ay may pakay kaya ika'y narito.Ano 'yun?"Pinag-cross ko ang aking mga binti.

"Erda naman,kinukumusta lang kita."Nakangiti niyang sabi.

Napataas ako ng kilay.

Tumawa siya.

"Pumunta talaga ako dito para ika'y kamustahin ngunit,nakita ako ni Broudor.Alam niya'ng hindi ko sasabihin kung nasaan ka kaya nagpaabot na lamang ito ng mensahe para sa'yo."Tinignan niya ako.

"Kailan mo ba titiisin ang mga taong nangangailangan ng tulong mo?Hahayaan mo na lang ba sila?' Ayon ang mensahe niya."

Umayos ako ng pagkakaupo."Wala ka namang balak sabihin kung nasaan ako,hindi ba?"

"Makakaasa ka sa akin Erda ngunit..Hanggang kailan ka magtatago at magpapakalayo?"

Umiwas ako ng paningin.

"Nagpakalayo-layo ka dahil sa nangyari sa pamilya mo.Erda ako man ay nalungkot sa nangyari."

Tinignan niya ako sa mga mata na puno ng lungkot.

Tumayo na ako at inayos ang sarili.

"Mag-almusal ka muna rito bago ka umalis.Mag-ingat ka sa pag-uwi mo." sambit ko habang inihahanda ang agahan namin.

Bago siya umalis ng bahay,binigyan ko siya ng patalim na pwede niyang ipang-depensa kapag may nangyaring masama habang lumalabas siya sa lugar na 'to.

Hindi niya sana kukunin iyon ngunit napilit ko na rin.

Mahirap na..

Ayukong may mapahamak  pa ng dahil sa akin.

Ang mga Daemon.

Sila..

Sila ang may gawa ng bangungot na iyon sa akin.

Pinalano nila ito ng maigi.

Ang orasyon na nakapalibot sa bahay ay nagawa nilang sirain..Ginawa iyon ng opisyal para sa proteksyon ng pamilyang nag-aruga sa akin.

Hanggang ngayon.

E  R  D  A  ( CURRENTLY EDITING )Where stories live. Discover now