I

44 2 2
                                    

Dedic po sa kanya dahil siya ang gumawa ng astig na cover ko. :D


Notey: Unang uri..Geranai.


    I

"Tulungan niyo kami!"




Lumingon ako kung nasaan nangaling ang boses.



Agad kong iwinasiwas si Mortus sa grupo ng mga Daemon na sabay-sabay ang pag-atake sa akin.


Hinanap ko agad ang taong humihingi ng tulong.
Nahagip ng aking paningin ang isang Geranai na papalapit sa isang taga-nayon.

Tumalon ako pataas at tinaponan ng patalim ang Geranai.



Sinasalakay ng mga Daemon ang bayan ng Keran.


Madami sila.

Mahigit kumulang na isang libo.


Humigpit ang hawak ko sa aking patalim.

Sinigurado ng kanilang pinuno  na masasakop nila ang bayang ito.

Ngunit hindi ko iyon pahihintulutan na mangyari.


Lumingon ako sa paligid.

Nakikipaglaban rin ang mga kasamahan ko.



Sinugod ko ang isang Daemon at sinaksak sa dibdib na agad namang naging bato at nadurog.



Kapag natatamaan sila ng sandata  ng  isang  taga-puksa ay nagiging bato ang katawan nila at nadudurog sa isang iglap.Kaya ang simpleng patalim lamang ay hindi mapapatumba ang isang Daemon,depende na lamang kung nabasbasan  ito ng mahika galing sa isang Shino.


Sunod kong inatake ang grupo ng mga Domon na papalapit sa akin.Mukhang paborito na nila ako.



Tinignan ko sila ng masama.



Kumuha ako ng mga patalim na nakasukbit lang sa bewang ko at inihagis ang mga ito sa kanila,isa-isa.

Iniwas ko ang katawan ko sa biglaang pagsuntok ng Domon.Sinikmuraan ko ito at agad sinaksak sa leeg.
Nang bumagsak ito at bago mawasak ay ginawa ko siyang panungkod upang makatalon ako papunta sa sumusunod sa kanya.

Buong lakas kong sinaksak  ito mula sa dibdib niya pataas.
Umilag ulit ako at hinawakan ng mahigpit sa braso ang Geranai na sumugod ulit.Binalibag ko ito sa mga nasa harap ko.

E  R  D  A  ( CURRENTLY EDITING )Where stories live. Discover now