III

44 1 2
                                    



SHAITAN-Pangatlong uri ng Daemon.Kalahating Daemon at kalahating tao,sila ang mga taong binihag at ginawang halimaw.Maibabalik sila sa dating anyo sa pamamagitan ng orasyon mula sa isang Shino.






III


Umihip ang malamig na hangin sa pagitan namin.
Nadala nito ang ilang hibla ng aking buhok.

Tinitigan ko ang nilalang na nasa harap ko.

"Nasaan ang pinuno niyo?"Tanong ko.

Ngumisi siya ng nakakatakot na kung simpleng tao lang ako ay baka nanginginig na ako sa mga oras na 'to.

"Nandito ka lang pala.Sigurado ako na sa oras malaman ng Pinuno -- "
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil tinaponan ko siya ng patalim na mabilis lang niyang iniwasan.Inihilig lang nito ang kanyang ulo pakaliwa.
Tumusok ang aking patalim sa katawan ng punong nasa likuran niya.

Sa tatlong uri ng Daemon ay sila lang ang nagagawang magsalita.Hindi gumagalaw ang bibig nila ngunit ang boses nila ay maririnig mo.Dalawang boses ang maririnig mo sa mga ito,isang malalim at matinis.

"Alam mo'ng hindi ako nasusugatan ng ganyan."Ngumisi na naman ito.

Napangisi rin ako.

Hindi niya ba nahalata na sinadya ko iyon upang mapatahimik ang boses niyang nakakairita?

"Napakadaldal mo'ng Shaitan.Siguro'y nakakalimutan muna,ang mga patalim na 'yan ay may mahika mula sa Shino.Alam mo na kung ano'ng ibig sabihin niyan."Walang ekspresyon ko itong tinignan.





Tinignan niya ako ng masama.


Sinalubong ko naman ang kanyang tingin.


Kung nandito lang si Mortus,tapos  na ang walang kwentang usapan na ito.


Tumawa ito bigla."Sigurado akong bibigyan ako ng pabuya ni pinuno kapag napaslang kita."Binigyan niya ako ng mapaglarong ngiti.

Natawa ako.

"May pabuya na pala kung sino ang makakapaslang sa akin.Ngunit huwag kang masyadong kumpyansa,Shaitan.Alam mo kung sino ako."Binigyan ko din siya ng mapaglarong ngiti.

Muli niya ako'ng pinukulan  ng masamang tingin.
Akala naman niya matitinag ako.

Binaling ko ang aking paningin sa likuran niya.

Isa na lang ang patalim ko,kukulangin ako sa pangdepensa sa kanyang mahahaba at matatalim na kuko.

Ibinalik ko ulit ang aking tingin sa madaldal na Shaitan.

Inihanda ko na ang sarili.

Sa isang iglap na sa harap ko na siya,dalawang pulgada ang layo sa akin.Saglit akong nagulat dahil sa bilis niya.

Iniharang ko agad ang patalim sa pagitan namin na napigilan ang paglapat ng mga kuko niya sa mukha ko.Alam kong iwawasiwas niya ang kanang kamay sa akin kaya lumayo agad ako sa kanya.

Ngumisi muna ito bago ako sugurin.Agad kong sinalag ang mga pag-atake niya gamit ang mga pangdepensang tinuro sa akin ni Broudor.

Nang makahanap ako ng tyempo ay sasaksakin ko sana siya sa bandang puso ngunit nakalayo agad ito.

Ako naman ang sumugod at inatake siya na kinainis ko dahil naiiwasan niya ang mga atake ko.Inatake ko ulit siya at napuruhan ko nga sa sikmura gamit ang tuhod ko,napangiwi naman ito at napa-atras.

E  R  D  A  ( CURRENTLY EDITING )Where stories live. Discover now