Prologo
Inilahad ko ang kanan kong kamay.May dumaloy na kung anong kakaibang enerhiya patungo sa aking palad.
Unti-unting uminit ang aking palad at nabuo ang nakakasilaw na liwanag,lumabas ang kaisang sandata ko.Si Mortus,isang espada.Hinawakan ko ito ng mahigpit at sinugod ang nagkukumpulang Daemon.
Tumalon ako pataas para maiwasan ang sabay-sabay na pag-atake sa akin.
Habang sa ere ay nagpakawala ako ng hindi nakikitang enerhiya mula kay Mortus at pinatamaan ang mga Daemon na sumusugod sa akin.
Sinugod ko ang grupo ng Domon at iwinasiwas si Mortus,na hati ang mga ito sa dalawa at agad na nawasak.
Narinig ko ang pag-ungol ng isang Shaitan mula sa aking likuran.
Napalingon ako,bumangad sa akin ang nagbabagang bulang apoy patungo sa akin.Masyadong mabilis ang pangyayari kaya't hindi agad ako nakaiwas.
Iniharang ko si Mortus at tinapon ang Bulang apoy sa Geranai na papalapit sa akin.
Nagulat na lang ako nang biglang bumulaga ang Shaitan sa harapan ko.
Nakahanda na ang mga sungay nito para sa isang pagsugod.Pinakawala ko si Mortus sa aking kamay at buong lakas na hinawakan ang malalaking sungay niya.
Nadala ako ng lakas nito.Naramdaman ko ang pagkiskis ng mga paa ko sa lupa.
Buong pwersa kong hinila ang sungay niya.
Isang nakakabinging sigaw ang pinakawala nito dahil naputol ang dalawang sungay niya.Nagwawala na ito dahil sa sakit kaya 'yun ang kinuha kong pagkakataon.
Nagpalabas ako ng patalim at mabilis na tinungo ito.
Tumalon ako pataas para makakuha ng lakas.Sinaksak ko ito sa leeg.Nangisay siya at tuluyan ng namatay.
Tumingin ako sa paligid.
Wala ng natira.
Dapat lang sa kanila ang mawala sa mundong ito,ang mga katulad nila ay dapat hindi hinahayaang mabuhay.
Nagsimula na akong lumakad paalis sa lugar na iyon.
Sigurado akong hindi ko pa sila nalilipon lahat.
Madami sila.. at yun ang tungkulin ko...
Ang tapusin ang mga DAEMON.
YOU ARE READING
E R D A ( CURRENTLY EDITING )
FantasyWag muna basahin,baka maguluhan pa kayo. (•﹏•) Saglit lang 'to. ♥