N O T E :
ang pangalawang uri ng daemon,ang DOMON.
IV
*broudor
"broudor.Lumulusob na naman ang mga daemon sa bayan ng ondi." narinig kong binanggit ng isa sa mga opisyal.
Ang opisyal ay binubuo ng matataas na tao,dito sa bayan ng era.Binubuo ito ng sampung miyembro.Sila ang mga utak kung paano ang magandang estraheya sa pagpuksa ng mga daemon.
"ano ang ulat?"tanong ko habang dinidiligan ang mga halaman sa'king bakuran.
"Madami na po ang napaslang at nasugatan sa digmaan.Madami din po ang nakuha ng mga daemon.Nandoon na din po ang ibang Daemon Slayer para mailigtas pa ang mga natitira."
napatigil ako at humarap na sa kanya."mukhang,nagpapalakas na ang mga daemon ngayo'y wala si erda. Ano ba ang iniisip ni cifer."
"Nagpatawag na po ako ng pagpupulong sa lahat ng miyembro ng opisyal."
"kung ganoon,kailangan na natin itong pag-usapan."
Yumuko siya,bilang paggalang sa akin at umalis na.
Nasaan ka na ba erda?
Kailangan mapilit na namin si erda na bumalik sa pagiging slayer.
Tumingin ako sa
mukhang pa-sama ng pa-sama ang layunin ni cifer.
Hindi na ito maganda,kailangan ng matapos ang kasamaan niya.
*Erda
Ilang linggo na ang nakakalipas mula noong nakipaglaban ako sa shaitan.
Ilang linggo na din ang lumipas ay wala pa rin malay ang estrangherong 'to.
Masasabi kong maganda ang pangangatawan nito.
Olandesa ang kanyang buhok na hanggang leeg.Kayumanggi ang kanyang balat,matangos ang ilong at mapupungay ang mga mata.
Binuksan ko ang bintana sa kwarto niya dahil umaga na.
Bumaba ako para pakainin si ker.
"ker."pinalapit ko si ker sakin.
Habang kumakain si ker ay tinignan ko naman ang sugat na nasa kaliwang braso ko.
Walang bahid ng sugat.
'yun ang kapakinabangan ng pagiging slayer.
Pumunta ako sa kusina para maghanda ng makakain para sa'kin at sa estrangherong 'yun.
Napatigil ako sa pagluluto nang makarinig ako ng pagbagsak ng isang bagay sa taas.
Ginamit ko ang bilis ko kaya nakapanhik agad ako sa pangalawang palapag.
Kumatok muna ako.
"Dayu?"
napatigil ako.
Bakit ko siya tinatawag,gayong alam ko namang wala pa pala siyang malay.
Umiling ako.
Hindi kaya may ibang tao sa loob?
Naghanda ako ng patalim na nakatago sa aking damit.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan.
Laking gulat ko nalamang nang makita ko ang mortal na nakahiga sa sahig.
"ano ba'ng ginawa mo!" inis akong lumapit sa kanya at tinulungan itong makatayo.
Inalalayan ko ito papunta sa kanyang higaan.
YOU ARE READING
E R D A ( CURRENTLY EDITING )
FantasyWag muna basahin,baka maguluhan pa kayo. (•﹏•) Saglit lang 'to. ♥