A/N: Nainspired akong mag update dahil sa ATTACK ON TITANS na sobrang ASTIG ni eren my lubz at ni mikasa na ipapalabas ang LIVE ACTION MOVIE THIS YEAR! ALAM NIYO YUN? THIS YEAR!kapapanuod ko lang sa kanila last week tapos biglang may movie na LIVE ACTION PA! SHEEEEEEEET! *0*
Manuod tayo minna. *_________*VII
*Narrator
Inaayos ni Erda ang kanyang kasuotan gayon din ang dalawa. Si Vanir na sinusuotan ng kanyang alalay ng kasuotang pangdigma at si Jenma na tahimik lamang na nag aayos din ng kanyang sarili.
Nandito sila sa kagubatan ng Senren malapit sa bayan ng era.Dito naisipan ni broudor upang tignan ang kakayahan ng tatlo at mas lalong palakasin ang mga ito.Nasa malawak silang lugar na kaunti lang ang puno sa paligid.
"Maayos na ba ang lahat?" Tanong ni Broudor na nakatayo sa isang sanga ng puno na malapit sa tatlo.
"Handa na!" masiglang saad ni Vanir.
"Opo." sambit naman ni Erda.
Habang ang isa ay tahimik na tumango lamang."Kung gayon.simulan na ang laban!"
Nagtinginan ang tatlo sa isat-isa.
Makalipas ang ilang minuto ay isang mabilisan na pagsugod ang ang ginawa ng tatlo sa isa't-isa.Pisikal na pag-atake lang muna ang gagamitin nila ngayon,walang sandata muna.Gusto ni broudor mas palakasin ang kanilang sariling kakayahan upang may opensa sila sa oras na mawala ang sandata nila sa hindi inaasahang pagkakataon.Gustong ipaalam ni broudor sa tatlo na hindi sandata ang nagpapalakas sa isang mandirigma kung hindi ang sariling lakas.
Unang sinugod ni erda si jenma ng isang malakas na sipa na mabilis din na sinangga ni jenma gamit din ang kanyang paa.
Agad na napaatras ang dalawa ng may biglang puwersa na babagsak sa pagitan nila,si vanir na galing sa taas.Nagkaroon ng malakas na pwersa sa pagbagsak kaya nagkalat ang buhangin sa hangin.
Napalingon si erda sa kanyang likuran nang may marinig siyang pwersa na animoy nagbabanggaan.
sa isip niya.Naglalaban na ang dalawa.
Nang mawala ang usok ay nakita niya agad ang nangyayari.
Patuloy sa pagpapalitan ng atake ang dalawa na pareho din na iiwasan ang isat-isa.Si jenma na umaatake ng suntok habang si vanir ay iniiwasan.Minsan naman ay si vanir ang opensa at si jenma ang depensa.
"Ipakita mo sa akin ang iyong galing,jenma." nakangising sambit nito.
"Masusunod."nakangising sagot din ng isa.
Pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay bigla itong nawala sa paningin ni vanir.
Isang mabilis na pagsugod ang ginawa ni jenma kay vanir.Nagpakawala ito ng malakas na sipa mula sa taas.Saglit na nagulat pa si vanir dahil sa bilis ngunit agad din naman niyang nasangga ang atake sa pag-ekis ng kanyang braso sa kanyang ulo.Nagkaroon ng bahagyang butas sa kanyang pwesto dahil sa lakas ng pwersa.Nagtagis ang bagang ni vanir.Ang lakas din pala ng isang 'to!
Ngumisi si jenma at nagbago ng posisyon para sipain si vanir.
Huli na ng mapagtanto ni vanir ang gagawing pag atake ng isa kaya napasubsub ito sa damuhan.Tahimik naman na nakatingin si erda sa dalawa.
Malakas siya. Bulong sa sarili.
Napangiwi si vanir dahil sa nasugatan ng kunti ang kanyang mukha.
YOU ARE READING
E R D A ( CURRENTLY EDITING )
FantasyWag muna basahin,baka maguluhan pa kayo. (•﹏•) Saglit lang 'to. ♥