Gabi na,mga 7:30 PM. Andito lahat ng mga Participants sa Room maliban kay Brandon. San kaya nagsusu-suot yun ? Pero andito yung bag tsaka gitara niya. Parang may nagfo-force sa'kin na hanapin siya kaso may side na pumipigil din. Gabe na din kase, nagpapahinga na lahat,yung iba naman nagkwe-kwentuhan pa,siguro sa sobrang pagod na rin.
Biglang may kumatok sa pinto,naexcite tuloy ako baka si Brandon na 'to."Guys,proceed now to the Hall for some Announcement."
Yung Facilitator lang pala. Grabe,oras na siguro para matulog pero bakit kailangan pang pumunta sa Hall ? Nainis tuloy yung iba habang palabas ng room.
"Ano daw !?"
Tanong ni Fiel na kakagising lang.
Bigla ko naman hinatak ito para tumayo. Tumayo na rin si B1 na katatapos lang magbasa ng Magazine."Tara na !"
Yaya ko sa kanila na parang pupunta sa Field trip. Naka'alis na rin kami sa Room at naisip ko ulit si Brandon. Nagwo-worry ako kung nasan yung hinayupak na yun.
Pumasok na kami sa Hall. Ang dami palang kasali,kasama na rito ang mga babae na halos 3/4 ang bilang compare sa'min,idagdag mo na rin kaming tatlo. HAHAHA at nag-umpisa na ngang magsalita yung Facilitator sa gitna.
"Hi guys,alam ko pagod na pagod na kayo at gusto niyo nang matulog pero this announcement is very important. So,here we're not just learning our talents. We are also learning how to communicate to our Lord. As you can see,may small Altar sa gilid ng bintanang yun,lahat ng participants ay kailangan mag'rosary to secure our safety and guidance for this Camp. Okay lang ba yun ?"
Super talak yung Facilitator sa 'min. Kaya pala pinadala kami ng Rosary,may purpose pala talaga yun.
"Yes po."
Sabay naman kaming nag'agree na halatang pagod na pagod na sa tono ng mga boses namin. Two persons every set nung Rosary at depende na rin kung ilang oras kayo matapos at isa pa,kailangan seryoso dapat.
Nasa likuran kaming tatlo nang may kumalabit sa'kin tsaka kay B1. Isa sa mga Facilitators dito tinawag kami nang sobrang mahinhin lang na boses. Agad naman kaming tumayo at sinundan kung saan siya pupunta. Nakarating kami sa Altar medyo kalayuan ito sa mga Participants. Ni hindi nga namin alam magdasal ni B1 eh,siguro Our father lang tsaka Hail mary. Hindi na kami nag-inarte ni B1 kase nakakahiya sa Facilitator.
"You can start now."
Hindi nag'alangan yung Facilitator at pinaupo na kami sa may Altar. Naiwan si Fiel dun sa mga Participants na siguro may ina'announce pa yung Facilitator. Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa at sinimulan na namin ang pagdadasal. Madali lang kase may parang Manual na katabi naman ay tig-isa kami ng Rosary.
---
-Brandon's POV-Saan ba'ko nakarating sa sobrang pagi-isip. Andito lang pala ako ngayon naka-upo sa isang duyan malayo sa Room at sa Hall. Madilim ang paligid,halos mga lights lang nakikita ko sa ngayon. Gusto kung mapag-isa. Biglang sumagip sa isip ko ang mga karanasan ko sa Seminario. Sobrang lungkot,binubully ka ng ibang Seminarista tapos kung maka'utos kala mo Principal ng school eh. Hindi ko na masyadong dinibdib kase ayoko namang panghinayan ng loob dahil lang dun. Tumingin ako sa malayo at natanaw ko ang isang pader malapit sa Poste na may mga drawings na Heart. Naisip ko tuloy kung pano ako na'inlove at na'busted nung Grade 6 sa isang babaeng napakahalaga sa buhay ko. Natawa nalng ako sa sarili matapos mangyari yun. Ang weird. Hindi na muli ako nagkagusto sa mga babae hanggang ngayon sa sobrang lakas nung epekto sa 'kin. Siguro kase bata pa kami nun kaya hindi pa pwede. Ang lalim ko talagang mag-isip. Ayoko namang sabihin to sa iba kase baka sabihin nila na mahina ako. Pero kung tutuusin kailangan ko talaga ng karamay sa ngayon.
BINABASA MO ANG
Irony
Teen FictionHave you ever felt love ? I mean the whole concept of love. Yung another person will love you back,may instance naman na hindi ka niya mamahalin in return. Thats the irony of love. How come that it is so easy to give love but what it makes so compli...