-Mark's POV-
"Gino,anong nangyari ? Wala yun sa plano diba ?"
[Sent]
Tinext ko si Gino. Hindi kase it nagrereply kagabi pa,pero alam kong natatanggap niya yung mga text ko.
[1 Message Received]
"Sorry Kuya,aayusin ko to."
-Bro Gino
Buti naman at naisipan nang magreply nito.
"Wag na,nasaktan na kase. Wala kase sa plano yun eh."
[Sent]
----
-Mike's POV-Nagpalit na ko para pumunta na sa simbahan. Sinpleng t-shirt lang tsaka jeans yun suot ko.
Nakarating na ko sa church,nagu-umpisa na ito. Homily na ata,late na ko. Umupo ako sa likod at tumingin na sa Altar.
*what the heck ! Leche.*
Nakita ko si Brandon sa Altar,nakalimutan ko nagse-serve pala ito every sunday sa Mass. Kumunot ang noo ko bigla,pero nakakabastos naman siguro na andito ako sa Simbahan tapos naka-focus ako kay Brandon,hindi siya santo !
Ibinaling ko na ang sarili ko kay Father at nag-umpisa na rin magdasal."Lord God,thank you for everything...."
Natapos na ang Mass at palabas na 'ko sa Simbahan nang makita ko ulit si Brandon. Naka'motor ito at tiningnan ako,sorry pero i gave a shit look to him. Nakakainis,ang sama niya.
"Mike !"
Napahinto ako nang biglang may narinig akong malakas na boses na tumatawag sa'kin. Lumingon ako at nakita ko si Gino. Papalapit ito at nag-crossedhand naman ako.
"Gino,okay na. Masyado ka namang concern sa'kin."
Halatang nangiinsulto ako sa tono ng boses ko.
"Sorry Mike,hindi namin sinsadya yun."
Pagmamakaawa namn ni Gino.
"Sge,i have to go."
Tumalikod na ko at naglakad na paalis. Tears fell from me eyes matapos maalala ko kung gano kasakit lahat ng sinabe ni Brandon. Pinunas ko naman ito at tumakbo,ayokon may makakitang umiiyak ako. Naiwan si Gino sa labas ng simbahan.
-Days Passed-
*December na*
"Ma,kanina pa kami naghihintay ni Ashley dito,ba't wala ka pa ?"
[Sent]
Mga 3:00 PM na pero wala pa si Mama. Ilang hours lang nman yung biyahe galing sa City papunta sa min,pero sabagay naka dalawang airplane si Mama ngayon.
May nakita naman kaming may humintong van sa labas ng bahay at lumabas naman kami agad ni Ashley.
"Ma!"
Lumabas si Mama sa van,agad naman kaming lumapit sa kanya at binigyan siya ng super hug,nakakamiss si Mama.
Pumasok na kami sa Bahay dala-dala yung mga bagahe ni Mama. Tinext ko naman si Ante na andito na si Mama. Nabigla nman ako nang may pumasok sa Bahay,si Mark. Halos andito na kase yan pag weekends,chika lang nang chika.
"Hi po."
Bati nito kay Mama. Nakaupo kaming lahat sa pagod kakadala nung mga bag ni Mama.
"Mark ba't andito ka ?"
"Oo nga kuya Mark."
Nagsalita din tong si Ashley. Bigla nmang lumabas si Mark na kunwaring aalis at pinigilan ko naman ito. Parang ewan namn to si Mark. Inilabasa naman ni Mama ang napakaraming chocolates. Binigyan ito si Mark kahit ngayon palang ito nakikilala,kinain ko naman yung sakin. Tinago ko yung iba parang ibigay sa Mama ni Mark mamaya pag umuwi na ito.
Pumunta nman si Mama sa kwarto at nagpahinga muna,isinama niya si Ashley kase daw nami-miss niya ito.
Naiwan kami dito ni Mark sa sala."Mark oh ? Para sa Mama mo."
Inabot ko yung mga chocolates galing sa bulsa ko.
"Salamat."
Tumingin naman ito sa kin. Ang awkward na ang tahimik namin ngayon,nakatingin lang siya sa mga mata ko at ako din. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko,hindi pa rin natatapos yung eye-to-eye moment namin. Hala ano to Mark ?
Tinapos ko yun at yumuko nalang habang nakangiti. Tumawa naman itong si Mark."Oh panalo ako sa titigan !"
Sabi nito. Contest ba yun ? Pero hindi ko na talaga napigilan,nahiya ako. Ang awkward kase.
"Umuwi ka na nga."
Sabi ko dito. Sumunod naman ito at umalis na nga sa bahay. Ba't ganun ? Kinilig ako sa nangyari kanina. May sparks eh,meron. Pero kung aaminin ko lang talaga sa sarili ko ang lahat,hindi pa 'ko move on kay Brandon kahit sobrang nung ginawa niya a month ago. Ang lakas nang kapit niya sa'kin. May side naman sa sarili na nagsasabing "TAMA NA !" kase nasaktan ako at nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon,pero kahit ganun may place pa rin si Brandon sa puso ko kahit papano.
[1 message received]
"Mike,sorry na."
-Unknown
Sino naman to ?
"So,kasali din ba 'to sa plano niyo ?"
Reply ko sa number na nagtext. Alam kong si Gino lang to,o kaya si Brandon.
Ini'scroll up ko yung messages,nakita ko yung convo namin ni Brandon,dinelete ko nga lang pala yung number niya hindi yung converstion namin sa phone ko.Tumulo ang luha ko nung nakita ko yung text niyang "Favor Mike ?",nag-flashback sa isip ko ang mga nangyari sa gabing yun. Tumulo ang luha ko habang nakikita pa yun ibang text niya. Alam kong hindi to tama na tinitingnan ko yun mga messages niya,hindi ito makakatulong para sa hinahangad kong pagmomove on sa kanya. Nalungkot ulit ako sa mga nakita ko,pero kasali pala sa gabing yun yung sakit na bumalot sa katawan ko. Denelete ko yung conversation namin para hindi na maulit tong kadramahan na to.
---------------------------------
---------------------------------
Pasuspense muna. Thank you for reading.
BINABASA MO ANG
Irony
Teen FictionHave you ever felt love ? I mean the whole concept of love. Yung another person will love you back,may instance naman na hindi ka niya mamahalin in return. Thats the irony of love. How come that it is so easy to give love but what it makes so compli...