Dec 31,2015 | last day of December
10:32 AM
Nagising ako sa sobrang bango na naamoy ko mula sa kusina. Tiningnan ko muna yung cellphone ko at wala namang nagtxt,lumabas na'ko sa kwarto at pumunta sa kusina. Nakita ko naman si Mama tsaka si Ashley dito. Kaya pala mabango kase sa niluluto ni Mama mamaya para sa New years eve.
"Goodmorning Ma !"
Bati ko.
"Oh Mike,kumain ka muna diyan. Nagluto ako ng pancakes."
Napa-wow naman ako sa sinabi ni Mama. Pancakes for Breakfast ? So good. Actually,nasasarapan lang talga ako sa syrup kaya dinadamihan ko yung lagay.
"Mike... Pupunta ka ba kela Mark ?"
Tanong ni Mama. Oo nga pala,may iki-kwento ako kay Mark. Buti nalang pinaalala nitong si Mama si Mark.
"Oo ma. Bakit ?"
Sagot ko naman.
"Pasabi sa Mama niya na pumunta naman sila dito bukas ng umaga."
"Bakit ma?"
Tanong ko ulit.
"Wala,bonding lang."
Agad namang sumagot tong si Mama. Naisip ko yung sinabi ni Tita (mama ni Mark) na dumalaw daw si Mama sa kanila dati.
"Ma,pumunta ka na ba kena Mark dati ? Kase parang sinabi nung Mama niya na dumalaw ka daw."
Tinanong ko na ito para naman maliwanagan na'ko.
Lumapit naman ito sakin hawak-hawak ang sandok,kala ko naman ipapalo niya to sa'kin."Mike............ tinanong ko lang si Mark kung anong nangyayari sa yo."
Huh ? Ano ? Bakit naman ?
"Ma,bakit ? Wala namang nangyayari saking masama ah."
Sabi ko.
"Aysus....nakita kaya kitang umiiyak sa Sala nung nakaraan. "
Nahiya ako bigla sa sinabi ni Mama,nakita niya pala yun. Kase naman Mike,di nagiingat.
"Eh kase..... eh anong sabi ni Mark ?"
Tanong ko. Kinakabahan ako sa sasabihin ni Mama. Baka nga hindi nagsinungaling si Mark kay Mama.
"May kinababaliwan ka daw."
Nagulat ako sa sinagot ni Mama. Pero natawa naman ako kahit papano. Leche talga tong si Mark,ano ano nalang sinasabi. Ang heavy naman nung "kinababaliwan".
"Ma........."
Hiyang hiya ako sa pagakaksabi ko.
"Ano ka ba.... Okay lang yun."
Bumalik naman si Mama sa pagluluto at tumayo na'ko para maligo. Susugurin ko tong si Mark ngayon din.
[On track: Shower by Becky G]
Tapos na'ko maligo,binilisan ko lang ito. At para pumunta na nga kena Mark.
"Ma,alis na'ko !"
Tugon ko kay Mama. Narinig ko namang tumawa ito pati si Ashley,so pinagtritripan ako ng dalawang to ah. lol
"Tita,andyan po ba si Mark ?"
Andito na'ko sa bahay nila Mark. Si tita lang nakita ko kaya tinanong ko kung nasaan ang mokong na yun.
"Ah.. Natutulog pa Mike eh.
Pasok ka. Sorry kase busy kami sa pagluluto."
Pumasok na rin ako.
BINABASA MO ANG
Irony
Teen FictionHave you ever felt love ? I mean the whole concept of love. Yung another person will love you back,may instance naman na hindi ka niya mamahalin in return. Thats the irony of love. How come that it is so easy to give love but what it makes so compli...