Chapter 16: Deleting

7 1 0
                                    

Tumigil ang buhos ng ulan at tumigil na rin ako sa pag-iyak. Hindi ko inaasahang darating si Mark sa ganitong pangyayari sa buhay ko,yung down na down ako. Iniisip ko lang ngayon kung anong mangyayari sa'kin bukas at sasusunod pang araw,matapos ang nangyari. Ayoko ko nang isipin iyon at baka maiyak lang na nman ako.

"Tara na."

Sabi ko kay Mark habang pinupunasan ang mga luha ko. Basang-basa kami sa ulan at nanginginig pa'ko sa lamig.
Tumayo naman kami agad at dahan-dahan nang bumaba. Halos magising yung mga kapitbahay namin sa ingay ng footsteps.

"Mark oh."

Inabot kay Mark ang isang t-shirt na galing pa kay Mama. Nagpalit na rin ako para hindi na lamigin.

"Salamat."

Sagot ni Mark. Isinuot naman niya ito at sakto naman. Nakikita ko sa mga mata ni Mark na naawa siya sa'kin,na parang gusto niya pa kong i'comfort.

"Bagay pala sa'kin."

Dugtong nito.

Tumigin naman ako sa salamin upang makita yung itsura ko. Halos mapamura ako sa nakikita ko ngayon. Namamagang mata,lumabas ang malaking eyebags,pilit ko mang ngumiti pero bakat pa rin sa mukha ko ang lungkot at sakit.

"Mike,lilipas din yan."

Lumapit sa'kin si Mark,nagaalala din siya sa kin and he's really trying his best to make me feel good.
Humarap ako sa kanya at tumingin sa mga mata niya.

"Mark,thank you ah."

Nanginginig ang labi ko habang binibigkas ang mga salitang ito. Hindi ko na napigilan umiyak pa,sobrang emosyonal ko naman ngayong gabi.
Niyakap ako ni Mark,alam ko na he really care for me,for what i feel. Mas lalo pa kong umiyak nung niyakap niya 'ko. I just can't help it,kase the more na kino-comfort ako,the more din na napapaiyak ako. Grabe.

Nagulat kaming dalawa nang may nag-vibrate sa bulsa ni Mark. May tumatawag ata,sinagot naman niya ito agad.

"Hello Ma ? Andito pa ko kena Mike pero pauwi na rin ako. Sge ma,bye."

Mama pala ni Mike. Nakakatuwa namang isipin na pinapayagan si Mark na pumunta dito sa bahay. Ngumiti naman ako sa kanya,at binaba na yung phone niya.

"Hatid na kaya kita Mark. Okay lang naman ako."

sobrang mahinang boses ang lumabas sa bibig ko.

"Hindi na,mas kailangan mo ngayon ng pahinga. Sge alis na'ko."

Sabi naman nito. Hinatid ko naman siya sa pinto at umalis na nga ito.

"Ingat !"

Ani ko. Tumango lang ito at naglakad na. Bumalik na'ko sa kwarto at humiga na. Hindi ako makatulog sa pag-iisip. Bakit kaya ganun ? Parang sobrang saya ko dati dahil kay Brandon tapos sakit,lungkot,at galit naman ang nararamdaman ko ngayon,at dahil din yun sa kanya. How ironic that is ! You give love,and it's now so hard for you to get that love back,you love him but he doesn't even like you. Lecheng opposite na yan ! Siguro lahat naman ng taong nagmamahal ay naghahangad na mahalin din sila,just simple as that pero ba't parang ang complicated pa din. I always thought of those moments na sobrang saya ko dahil dun,and i was just so stupid of not thinking na hindi yun constant,na mali yun,na dapat hindi ako kumapit dun. Tama nga si Mark,dapat hindi ako umasa,nag-assume, ng walang pang deep na closure,yung closure na closure talaga. Leche kase yang Brandon na yan for making me feel like this,alam kong kasalanan ko din pero mas kasalanan niya. Eh di sana sinabe nalang niya dati para hindi humantong sa ganito,na may nasasaktan (ako) at nagpapakasaya (Brandon)dun,napaka-ironic,unfair. Siguro nga sa bawat umaasa,may nasasaktan.

IronyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon