Last 3 Hours,and we're going home-the camp is over. Natulog kaming late lahat,wala nang usap-usap pa dahil na rin siguro sa pagod nung E-night. Ang gaan ng loob ko sobra sa lahat ng nangyari,hindi ko na tuloy na isip na nanalo kami kami sa naganap na Contest kanina. Ngayon palang nag-sink in ang lahat ng yun.
*After 3 Hours*
Nagising ako at bukas na ang mga ilaw sa buong Room. Madilim sa labas at tiningnan ko ang orasan,2:38 AM. Naga-ayos na ng mga bagahe nila yung bibig. Ginising ko na sila Fiel at B1 para mag-ayos na din.
"Hoy,gising na."
Inalog-alog ko pa ang katawan ni Fiel para magising na. At nagising na rin si B1. Agad naman kaming tumayo at kinuha ang mga bag namin at inayos ito.
"Ano ba yan,parang ang bilis lang nung Camp-nakakabitin."
Tama si Fiel sa sinabe niya. Nakakabitin pero ang daming nangyari. Ang saya.
"True"
Sagot naman nitong si B1 habang tinutupi yung mga damit niya. Nakakapagod man pero ang saya naming tingnan. Nagpalit na rin kami at lumabas na sa Room. Naga-antay na yung jeep sa may gate at nagtipon-tipon na kami dun. Wala si Brandon dito,kase ang pagkaka-alam ko sasabay ito sa Daddy niya sa Mini van. Hindi manlang ako nakapagpasalamat sa kanya. Sumakay na kami sa jeep at umandar na ito. Nakatingin lang ako sa bintana at inaala-la lahat ng lokasyon sa Camp na puno ng memories. Tatak na tatak ito sa puso ko.
"Mike,ang saya mo siguro."
Ani ni Gino. Tumabi sila samin dahil na rin ito sa bonding sa Camp na lubos pa namin silang nakilala.
"Oo naman,lahat naman siguro."
Sagot ko naman dito.
"Hindi yun yung ibig kung sabihin. Yung sa inyo ni Brandon."
Wth. Nagulat ako sa sinabe nito,ba't niya alam ? Nanlisik ang mga mata ko kay Gino. Bakit kase may alam siya sa mga namgyari samin ? FBI ba siya para imbestigahan lahat ng to.
"Ikaw Mike ah,may hindi ka pala sinasabe samin."
Singit naman ni Fiel. Ang buong alam lang ng dalawa to ay yung gabing napayakap ako kay Brandon at nung Magkasama kami nung E-night,pero hindi nila alam kung bakit. Feeling ko tuloy nakakulong ako sa sobrang guilty.
Hindi na'ko muling nagsalita at natulog na sa sobrang lamig dahil madaling araw ito. Natulog na rin sila Fiel at B1 at hindi na nagtanong pa.Nagising kaming nakahinto na yung jeep malapit sa Plaza. Nakauwi na kami at last,mga 6:00 AM na rin. Bumababa na kaming lahat. Bumalik na kami sa sarili naming mga bahay dala-dala ang mga ala-ala sa Camp.
"Kuya,ilang beses na dito pumunta si Kuya Mark sabi daw nung Kapit-bahay na 'tin. Wala naman daw silang masagot kase nga di rin daw nila alam kung nasan tayo."
Sobrang alala naman itong si Ashley. Oo nga pala,hindi alam ni Mark na umattend ako ng Camp. Siguradong magtatampo yun. Agad ko naman itong tinext.
"Mark,sorry. Hindi ko nasabe sayo na umattend ako ng Camp."
*Message Sent*
Ilang oras na ang nakalipas subalit wala pa ring text na galing kay Mark. Nanghina ako dahil baka nagtatampo si Mark. Big deal kase lahat para sa kanya pagdating sa Friendship namin.
---
-Mark's POV-Halos tinext ko itong si Mike araw-araw para malaman kung nasaan siya. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya. 3 days kaming hindi nagkausap at nagkita o sa text man,wala. Nag'beep tong Cellphone ko,at nakita kung nagtext si Mike.
"Mark,sorry. Hindi ko nasabe sayo na umattend ako ng Camp."
Medyo nainis ako dahil hindi manlang niya sinabe lahat ng yun. Ayoko siyang replyan sa mga ora na 'to,nakakainis kase. Nabulok na lahat lahat nang iki-kwento ko sa kanya sa isip ko. Wala tuloy akong kausap. Hindi ko naman mahingian ng payo ang ma barkada ko,eh mga baliw yun,walang pagseseryoso sa buhay ang mga yun. Nahiya din naman ako sa mga magulang ko,baka sabihing kalalaking kong tao,ang dramatic ko. Kaya si Mike lang talaga ang meron ako sa pagdating sa mga ganyang bagay,kaya nga siguro sobrang importante na rin yung presensiya niya sa buhay ko.
---
-Mike's POV-Nakatulog ulit ako sa sobrang pagod. Tiningnan ko alam laman ng messages ko sa cellphone pero wala dun ang text ni Mark. Ang lakas ding magtampo ni Mark eh no.
*beep*
Tumunig ang Cellphone ko,isang message at agad agad ko naman itong binuksan.
"Hi Mike,Gino to. New number :)"
Ano ba naman yan,si Gino lang pala. Nirefresh-refresh ko na yung inbox pero wala paring text galing kay Mark.
--
-Mark's POV again-Nanunuod ako ng TV nang biglang sumikip ang dibdib ko. Ang sakit sobra halos hindi ako makahinga.
"Ma ! Ma !"
Sigaw ko sa buong bahay. Humiga ako sa sahig sa sakit na nararamdaman ko. Dumating agad si Mama at nakita akong nakahalandusay.
"Mark,anong nangyare !? Mark !?"
Malakas na sigaw ni Mama sa'kin. Alalang-alala siya sa'kin mas nakaka-awa pa siya tingnan kesa sa kalagayan ko pero hindi ko mapigilan ang sakit sa dibdib. Hindi na rin ako makapagsalita. Rinig na rinig ko ang pag-iyak ni Mama,naramdaman ko namang may bumuhat sa kin at pumikit na ang aking mga mata.
"Doc,please anong po ang kaialangan naming gawin para mawal yung sakit niya ?"
Narinig ko ang boses ni Mama na nagmamaka-awa. Idinilat ko ang aking mga mata at bumukas ang isang puting kwarto. Tiningnan ko ang paligid,isang Ospital pala. Nakita ko si Mama at Papa habang kausap ang Doktor.
"He must take all the medicines and check-ups to make his strength back."
Sabi nung doktor at umalis na nga ito. Wala akong kaalam-alam sa nangyayari ngayon. Dinilat ko apa ang aking mga mata at tumingin kila Mama.
"Ma,gusto ko nang umuwi."
Pagmamatigas kong sabe. Ayoko talaga sa Ospital at ayokong malaman kung bakit nagmamakaawa si Mama sa Doktor na yun.
"Mark,kailangan mo munang magpagaling tapos uwin na tayo ah."
Magaan na pagkakasabe ni Mama sa'kin. Tumango lang ako at nagpahinga ng kunti. Wala na rin ang sakit sa dibdib na siyang naging rason kung bakit ako nandito sa Ospital. Ayokong itanong kung anong meron sa 'kin ngayon kila Mama,natatakot akong malaman. Kailangan ko lang sigurong maging matatag para sa lahat ng 'to. Isang pagsubok na kailangan kong lagpasan. Alam ko naman sa sarili ko na kaya ko,matatapos din to.
-------------------------------
-------------------------------Thank you for reading.
Chapter 10 na,huwaaaaaw !
BINABASA MO ANG
Irony
Teen FictionHave you ever felt love ? I mean the whole concept of love. Yung another person will love you back,may instance naman na hindi ka niya mamahalin in return. Thats the irony of love. How come that it is so easy to give love but what it makes so compli...