Chapter 5: His Voice

14 1 0
                                    

Sa sobrang tagal kong nakatitig sa dingding ay nakatulog ako saglit. Siguro mga 30 minutes lang. Nagising ako na walang ng mga tao sa Room,ako nalang talaga. Puro bag nakapalibot sa'kin,ang tahimik,nakakatakot. Hindi manlang ako ginising nina B1 at Fiel.

*San ba sila pumunta ?*

Bigla na kong tumayo para hanapin sila nang biglang may kumalabog sa pintuan,may pumasok. Kinabahan ako bigla at pinikit ang aking mga mata-humiga ako sa sobrang gulat. Kunwari'y natutulog pero medyo dumidilat ang kaliwa kong mga mata at nakatingin sa may pintuan.

--
-Brandon's POV-

Pinuntahan ko si Daddy kanina para itanong kung saan ako matutulog,sabi niya sa mga participants daw para makahalobilo ko sila. Siguro isa na rito ang epekto ng pagiging taong-bahay,walang masyadong kaibigan.

Hindi ko na pinansin yung Orientation na kanina pa naguumpisa,agad na'kong pumunta sa Room ng mga lalaki para magpahinga ng kunti,ayoko nang umattend sa Orientation,di naman masyadong importante yun.

Binuksan ko ang pinto,napalakas ata ito at nabulabog ang buong Room. Pero okay lang naman,andun naman siguro lahat ng tao sa Orientation. Pumasok na'ko at nilapag na lhat ng mga gamit ko sa sahig. Nakita ko may natutulog,familiar yung mukha. Tiningnan ko ito nang malapitan.

----
-Myke's POV-

Nung bumukas yung pinto,bumulantang agad ang isang gitara,at sumunod na rito ang isang lalaking naka'hoddie.

*wait. Whaaaat !?*

Si Brandon pala leche. Kinabahan ako sobra,ba't andito siya ? Stalker ko ba 'to ? Hala,biglang nanikip ang dibdib ko nung nakita ko pa siyang papalapit matapos ilapag ang kanyang bag sa may gilid. Akala niya siguro walang tao. Nakita niya ata ako,at lumapit ito sa'kin. Sobrang sikip na talaga ng dibdib ko at gusto ko nang sumigaw at huminga ng sobrang lalim.

At binaling niya ang kanyang mga mata sa dala niyang gitara,laking pasasalamat ko talaga sa dala niyang gitara. HAHA
Umupo siya sa gilid sa may harapan ko,medyo kaliitan lang yung room kase kunti lang yung boys. Eto,tuloy pa rin ang pagku-kunwaring tulog pa'ko at nang bigla siyang kumanta habang naggi-gitara. Di ko enexpect na ang galing pala niya,sobrang Angelic yung boses. Parang Ed Sheeran ang boses. Di ko alam kung ano kinakanta niya pero dinig na dinig ko kung pano niya ibuka ang kanyang mga bibig habang binibigkas ang mga lyrics nung kanta.

" And I remember your eyes were so bright,
When I first met you so in love that night.

And now I'm kissing your tears goodnight,
And I can't take it you're even perfect when you cry,

Beautiful goodbye,it's dripping from your eyes. "

Ang lamig tsaka ang soft nung boses,feeling ko tuloy lumulutang ako sa ulap. Hindi ko na napigilan at i opened my eyes at nag'stretch to the point na nasipa ko na yung bag sa harap ni Brandon. Nagulat ito at huminto sa pagkakakanta niya.

"Nasa may Hall na sila para sa Orientation."

Biglaan niya itong sinabe na may kahiyaan sa tono ng boses,pero bakit siya mahihiya eh ang ganda ng boses niya. Nainlove ako ng kunti tbh,yung feeling na nadagdagan na naman yung feelings ko sa kanya.

Tumango lang ako at inayos ang aking pagkaka-upo. Tumingin ako sa kanya na nakayuko lang habang kinakalikot ang kanyang gitara. Ang gwapo niya tingnan sa mga oras na'to,naka-indian sit tapos may hawak pang gitara. Tumingin siya sa'kin na parang questionable ang mukha. Sinundan niya ito ng isang tanong.

"May cellphone ka pa ba ?"

Hindi ko alam kung ba't niya tinanong to. Nami-miss niya ba'kong katext. Well,kung kaya ko lang sabihin sayo kung bakit,na ikaw may kasalanan kaya hindi na kita tinitext. Pero ayokong maging emotional ngayon,kailangan ko muna ng signal galing sa mga kaibigan ko.

IronyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon