Ano kayang nangyari dun kay Mike ? Umalis agad. Parang nakakita ng multo,pero sabagay medyo may point siya. jklang Pero sa totoo lang gustong-gusto ko na siya kausapin,ang dami ko ng chika,bulok na bulok na ano ba yan.
"Kuya,punta daw tayo sa computer shop sabi ni ante. Skype daw kayo ni Mama !"
Sigaw ni Ashley sa kabilang kwarto. Kagagaling ko lang kena Ante tapos another utos na naman ? Sige na nga.
"Oh tara na !"
Sigaw ko din sa kanya. Umalis na kami at pumunta na ng Computer Shop.
"Kuya 1 hour lang po."
Sabay abot ng 15 Pesos kay kuya. Umupo na kami at ito namang si Ashley nagpupumilit na mag-computer din,eh sa wala akong extrang dala. Nanahimik naman ito agad nang malaman niyang wala.
*Sign in*
Nami-miss na naman ata kami ni Mama. Ang hirap talaga pag malayo sa mga minamahal,katulad ko. Malayo si Brandon pero kahit na nasaan pa siya,i still have him. Pa'fall kase itong si Brandon,kainis.
*ChennyDVeyra calling*
*answer*
Nakakalungkot na wala si Mama sa tabi namin pero alam kong kami din ang rason kung bakit siya wala. Tanggap ko namang lahat yun.
"Hello Ma,kumusta ?"
Naka headset at nakatingin lang sa screen,si Ashley naman ayaw magpakita ng mukha kay Mama kase takot itong mapagalitan.
"Okay lang. Kayo diyan ? Uuwi pala ako sa Pasko,dala lahat ng mga pasalubong ko sa in-"
Natigil kaming lahat nang biglang nag-brown out. Hindi ko na tuloy narinig yung kasunod na sasabihin ni Mama. Pero omg,uuwi siya. Ang saya,makakapagbonding din kami ulit after a long long years.
"Oh ashley,uwi na tayo.
Kuya,yung sukli ko ah. Balik nalang ako"
Hindi ako papa-awat sa natitira ko pang 40 minutes sa computer shop na equivalent sa 11.50 Pesos na makukuha ko. Sayang din yun.
Nakauwi na kami ni Ashley at sinindihan na lahat ng kandila,nakakatakot man na kami lang dalawa dito sa bahay pero alam ko namang nasa tabi lang namin si Papa.
"Mike?"
Galing yung boses sa labas at kumatok ito sa pinto. Sabi ko na nga ba,baka si Papa na to. Hala,wag naman sana.
Nagulat naman ako nung binuksan ko yung pinto,si Mark pala ito.
"Oy Mark,buti naman na naging visible kana."
Pagbibiro ko kay Mark. Buti naman at nagparamdam na nga ito. Mga 6:30 palang kaya siguro pinalabas sa bahay nila.
"Oo nga eh,na'miss tuloy kita."
Pagbibiro ding sabi ni Mark sa 'kin.
"Ashley kumain ka muna dun tsaka matulog na pagkatapos ah,tatabi na daw sayo si Papa."
Di ko alam bakit trip na trip ko si Ashley ngayon,pero totoo yun na tumatabi sa min si Papa pag tulog na kami,ramdam ko.
"Kuya naman eh."
Halatang takot itong si Ashley. Kaya lumpit ito sa min.
"Joke lang,oh sge na. Gora na !"
Ani ko habang nakayakap sa kanya. Pinapasok ko na itong si Mark. Ang dilim pa din sa bahay,kaya naisipan naming umakyat sa bubong,right decision Mark n Mike !
"Wait lang kase"
Reklamo ko kay Mark habang hirap na hirap umakyat. Nauna na sa'kin si Mark at inaabot pa yung kamay niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Irony
Teen FictionHave you ever felt love ? I mean the whole concept of love. Yung another person will love you back,may instance naman na hindi ka niya mamahalin in return. Thats the irony of love. How come that it is so easy to give love but what it makes so compli...