"Oh san ka pupunta ?"
Tanong ni Mama. Umagang umga palang ay bumangon na'ko para bisitahin si Mark sa Ospital.
"Ma,pupuntahan ko si Mark sa Ospital."
Sagot ko. Aga ko namang kinuha na yung mga gamit ko at lumabas na sa bahay.
"Mike ! Dadalaw din kami mamaya ni Ashley !"
Sigaw ni Mama sa'kin at tumango lang ako. Alam ko namang may care din to si Mama kay Mark,kase alam niya naman siguro na mabait na kaibigan si Mark.
"Oh Mike ?"
Nakarating na'ko sa Ospital at tumayo naman itong si Tita nung nakita ako. Inilapag ko naman ang dala kong prutas sa mesa malapit sa kama ni Mark,at tinabihan itong si Tita. Kaming lang dalawa dito sa kwarto,umuwi ata si Gino tsaka si Tito.
"Tita...ano na pong balita kay Mark ?"
Tanong ko.
"Kailangan lang daw ng pahinga."
Sabi naman ni Tita. Hindi nagtagal ay dumating na din si Tito kasama si Gino at yung mga kapatid pa ni Mark. Nagkwentuhan naman kaming lahat tungkol kay Mark,para hindi naman kami masyadong malungkot.
"Alam mo yang si Mark,sobrang bahi ng utot. Nagmana siguro kay Papa"
Sabi nung Ate ni Mark na tawa nang tawa.
"Ang lakas din niyang man-trip Ate."
Singit naman ni Gino.
"Mangingibang bansa pa nga kami eh,hindi ka daw kasama."
Sabi ni Tita na tinuro naman yung Ate ni Mark. Sobrang saya nung kwentuhan,hindi ko naman akalain na may mga tinatago pa tong si Mark sa'kin.
"Ikaw Mark ? Anong alam mo kay Mark ?"
Tanong nung Ate ni Mark sa'kin.
"Si Mark ? Uhmm.....sobrang bait !"
Sagot ko dito. Tumahimik naman silang lahat.
"Laging present pag kailangan ko,malakas pag mahina ako,at higit sa lahat marunong tumanggap kung ano man ang meron ako."
Dugtong ko. Gusto kong sabihin lahat sa kanila kung gano kaimportante sa buhay ko si Mark.
Ngumiti naman silang lahat sa'kin,nakakaproud na nakilala ko si Mark,swete sila Tita.*beep*
[1 message received]
"Anak,andito na kami sa labas ng Ospital."
-Mama
Nagpaalam muna ako saglita sa Pamilya ni Mark upang sunduin sila Mama sa labas,tsaka punta muna kami siguro sa cafeteria para bumili ng pagkain.
"May sakit si Mark !?"
Ani ni Mama. Nagulat din ito sa sinabi ko na may coronary heart disease si Mark,kahit naman siguro ako hindi maniniwala.
"Kuya,gagaling pa ba si kuya Mark ?"
Tanong naman ni Ashley. Kahit naman siguro papano ay nakilala din ni Ashley si Mark na laging nasa bahay.
"Oo naman. Gagaling pa yun"
Sagot ko naman at ngumit. Papunta na kami sa Cafeteria ngayon,nakalimutan din siguro ni Mama na magdala ng pagkain.
"Kaya ikaw Mike,alagaan mo ang sarili mo."
Tugon ni Mama. Tumango lang ako at bumili na ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Irony
Teen FictionHave you ever felt love ? I mean the whole concept of love. Yung another person will love you back,may instance naman na hindi ka niya mamahalin in return. Thats the irony of love. How come that it is so easy to give love but what it makes so compli...